Friday, September 9, 2011

"Endorsed to Love" Part 1 of 5



Endorsed to Love.
by glenmore bacarro
4/20/11

Part 1 of 5


“Fuck…fuck!” ang paulit ulit na mura ni Anthony sa kanyang sarili habang paulit ulit ding hinahampas ang manibela ng kanyang minamanehong kotse. Hindi niya matanggap ang ginawang pakikipaghiwalay sa kanya ng kanyang girlfriend…ang pagtataksil nito at ng kanyang matalik na kaibigan.

Tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata na kanina pa niya pinipigilan. Hindi rin tuluyang nabura ng pagkalango sa alak ang sakit na kanyang nadarama.
Hindi kayang tanggapin ng kanyang ego ang ginawang pakikipaghiwalay ng kanyang gf, at mas lalong hindi kayang tanggapin ng kanyang puso ang pagkawala ng kanyang bestfriend…pag-…natigilan siya, kinapa niya ang kanyang nararamdamn kung saan ba siya mas higit na nasaktan. Ang kanyang bestfriend na kasa kasama na niya mula pagkabata…kasama sa lahat ng kalokohan…sa mga…natigilan muli siya. Ipinikit niya ang mga mata at gumuhit sa mga alaala niya ang kanilang mga napagsamahan, ksabay nito ang ay pagtulo ng kanyang mga luha…

“Fuck!” ulit niyang pagmumura…naguguluhan siya sa kanyang mga nararamdaman…mga tagong panghihinayang at pagsisisi sa mga sandaling itinago niya-…napatigil siyang muli sa pagiisip at nagtataka sa kung anu anong pumapasok sa kanyang utak. Gulong gulo sya.

Kinabig niya ang manibela at iginilid niya ang kanyang sasakyan sa isang madilim na bahagi ng highway, nangalumbaba siya sa manibela at napapikit siya ng mahigpit sa pag asang mawala ang nararamdaman niyang sakit at pait. Ilang minute sya sa ganong ayos ng…

“Boss…” kasabay ng mga mahihinang katok sa bintana ng kanyang sasakyan. Out of reflex, pinahid muna niya ang mga luha at inayos ang kanyang nagulong buhok saka siya humarap sa taong kanina pa kumakatok sa kanyang bintana. Sa dilim ay naaaninag niya ang lalaking naka baseball cap na nagtakip ng mukha nito. Ibinaba niya ang salamin ng bintana ng kanyang sasakyan sabay ng paglayo bahagya ng lalaking kanina ay nagpupumilit na sumilip sa tinted niyang bintana, at duon ay tumama ang liwanag ng di kalayuang street light sa mukha nito at dagling nagtama ang kanilang mga mata.  Sa di malamang kadahilanan ay kumabog ang dibdib niya at napamaang sa kagandahang lalaki nito. Matangkad ang lalaki, nakahapit na puting t-shirt at halata kahit sa dilim ang faded at tattered na pantalon, naka rubber shoes ito na luma ngunit mas bumagay sa kanya. Lumapit ito at tumabing uli ang dilim sa kanyang mukha at tuluyang natakpan ng itim niyang baseball cap ang kanyang kaguwapuhan.

“Boss, pasensiya na sa pang aabala…pero kanina ko pa napapansin na…” hindi na narinig ni Anthony ang mga sinabi nito ng makalapit ng husto ang lalaki at naamoy niya ang halatang mumurahing pabango nito. Ng tingnan niya ito muli ay halos magkadikit na ang kanilang mga mukha dahil nasa lebel na ng bintana ng kanyang sasakyan ang mukha nito, at dito muli ay kumabog ang kanyang dibdib ng mapagmasdan niya ang kanyang angking kagwapuhan. Ngumisi ang lalaki…ngunit halos kasabay din nito ang pagkunot ng kanyang noo at napalitan ng pag aalala ng mapagmasdan niya ang ayos ni Anthony.

Alam ni Anthony na callboy ang lalaking ito, huli na ng mapansin niyang nasa kahabaan siya ng QC Circle.
Napaatras ang lalaki ng kaunti at napatayo sa kanyang pagkakayuko…

“Boss…pa-…pasensiya na…ang a-..akala ko ay…ay…” nauutal nitong paliwanag.

“Hop in.” ang sabi niya. Natigilan ang lalaki at muli ay tumitig siya kay Anthony. Sumenyas siya, ng akmang pinapasakay nito ang lalaki.

Ilang segundo ding nag-alinlangan ang lalaki bago ito naglakad paikot patungo sa passenger seat ng kotse. Inabot ni Anthony ang lock ng pintuan at hinintay nitong pumasok ang lalaki. Walang imik na pumasok ang lalaki at naupo, tinanggal nito ang suot na sombrero at kinusot ang may pagkakulot na buhok na bumagay sa kanyang heart shape na hairline. Walang lingon at imik na pinaandar na ni Anthony ang sasakyan.

“A…e…Geoff…” pagpapakilala nito sa sarili sabay lahad ng kamay.

Hindi s’ya nilingon ni Anthony at patuloy ito sa pagmamaneho. Binawi niya ang kamay at ngpakawala ng maikling pagak na tawa. Itinuon na rin nito ang tingin sa daan at hindi na umimik sa kabuuan ng byahe.

Halos kalahating oras din ang kanilang byahe ng marating nila ang pad ni Anthony, wala paring imik na pinatay nito ang makina at bumaba ng sasakyan, bumaba na din si Geoff, nagtama lang ang kanilang mga mata at waring nagkaintindihan dahil nagpatiuna na si Anthony at sumunod naman ang isa.

Maayos at maaliwalas ang loob ng pad, organisado ang mga gamit. Simple ngunit mamahalin ang mga furniture nito at kapansin pansin ang mataas na kalidad ng disenyo ng kabuuan nito. Inihagis ni Anthony ang susi sa may side table at dumiretcho ito sa loob ng isang silid, maya maya pa ay dinig ni Geoff ang lagaslas ng tubig mula sa banyo sa loob ng silid na pinasukan nito, at mula sa nakaawang na pinto ay sinilip niya ang loob at nangahas na pumasok. Maluwag ang kwarto at tulad ng kabuuan ng pad magarbo ang mga gamit. Malaki ang kama at parang napakasarap mahiga dito, hindi naayos ang higaan halatang hindi na ito tunipi at iniwan ng nagmamay ari. Lumapit siya sa may side table at hinila ang switch ng lampshade at dagling lumiwanag ang paligid niya, bumulaga sa kanya ang dalawang retrato na nakapatong mismo sa ilalim ng lampshade, ang una ay larawan ng lalaking nasa loob ng banyo at isang babaeng napakaamo ng mukha na nakaakbay sa kanyang likuran…parehas silang nakatawa na animoy kanila ang mundo, kita sa kislap ng kanilang mga mata ang saya at tila ba iniinggit ang kung sino mang kumuha ng litratong iyon. Inilapag niya ang hawak at kinuha niya ang pangalawa…larawan ito ng lalaking iyon at dito ay mas umaangat ang kagwapuhan nito, seryoso ang mukha nito na wari ba ay may malalim na iniisip at aakalain ng sinumang makakita ng larawang ito na ito ay stolen shot at kuha mula sa malayo at tanging ang mukha nito ang siyang subject ng photographer. Tila gumagalaw at sinasayaw ng hangin ang maikli at magulo nitong buhok, bahagyang kapal ng mga kilay na binagayan ng medyo may kasingkitang mga mata, matangos ang ilong at mapupula ang mga labing bahagyang nakaawang na tila ba’y nagaanyaya ng ito ay halikan.
Bumagay din dito ang tila bay nakalimutang ahitang balbas.

Marahil ay natagalan siya sa kakatitig sa litratong iyon dahil hindi niya napansin na bumukas ang pinto ng banyo, napalingon siya dito ng marinig nito ang pagsara ng pinto at duon ay tumambad sa kanya ang lalaki sa letrato, nakatapis ito ng twalya at nagtama ang kanilang mata…muli ay natitigan nito ang mukha na kanina lang kanyang pinagmamasdan, ngunit ngayon sa personal at mas sumidhi ang paghanga niya sa mala Adonis nitong kaanyuan at tindig. Dahan dahan niyang inilapag ang hawak niyang litrato at akmang lalapitan niya ito ng…

“Hintayin mo ako sa sala…” ang walang kaemo emosyong bigkas ni Anthony. Ngunit para kay Geoff musika ito sa pandinig. Natigilan siya sandali at dahan dahang tinungo ang pinto palabas sa kwarto. “…hindi ko maintindihan ang taong ito.” aniya sa sarili. Naupo siya sa sofa at inaliw na lang ang sarili sa mga magasin na nakalapag sa may center table. Sumagi din sa isip nito ang kikitain niya, ang lalaking ito ang una ngayong gabi…matumal ang costumer ngayun di tulad ng nakaraang bwan o maaaring dahil din sa may pagka choosy sya sa costumer…napailing na lang siya na napapangiti. “kikita naman siguro ako ngayon sa lalaking ito..” nasabi niya sa sarili.

Lumabas si Anthony at dumetcho ito sa kitchen at pagbalik ay may dala dala ng apat na beer in can. Inilapag niya ito sa center table nagbukas ng isa, inabot ang remote at binuksan ang tv… sinulyapan lang siya ni Geoff, inabot ang isang beer at binuksan ito at itinuon na din niya ang tingin sa tv. Ilang minuto ding silang walang imikan at hindi na sya mapakali, at maya’t maya ay sinusulyapan niya ang kanyang mumurahong relo. Nawawalan na siya ng pagasa na may mangyayari at nagaalala siya na baka ay wala siyang kikitain ngayong gabi, hindi rin niya magawang gumawa ng unang move tulad ng lagi niyang ginagawa sa kadahilanang kumakabog ang dibdib niya na tila ba ay dinadaga sya sa unang pagkakataon.

Nakailang beer na rin sila dahil maya’t maya ay panay ang kuha ni Anthony ng beer sa ref. Hindi na nakatiis si Geoff at akmang lalapitan na niya ito at simulan ang trabaho ng mapakunot ang noo nito ng nakita niyang nakapikit ito at nakasandal ang ulo sa backrest ng sofa… “ang lintek tinulugan ata ako!…” umusog siya palapit dito at muli ay hindi niya mapigilang titigan ang kakisigan nito. Hindi nya napigilan ang sarili at itinaas nito ang kanyang mga kamay upang damhin ang mukha nito. Sa una ay hindi niya idinantay ang daliri… sinusundan niya na animoy iginuguhit niya ang mukha nito at sa din kalaunan ay dahan dahang idinikit din niya ang mga daliri sa mukha nito…malambot, mainit, buhay. May kakaibang hatd na saya sa kanya ang mahawakan ang mukha nito…may kung anong ligaya ang kanyang nadama sa kanyang puso na ni minsan ay hindi niya naramdaman sa kahit na kaninong kostumer.

Patuloy siya sa ginagawa ngunit napatigil ng walang anu ano’y biglang sumilay ang butil ng luha sa mga mata nitong nakapikit. Binawi niya ang kamay at napakunot ang noo’t tinitigan niya ito.

“Kiss me..” ang garalgal nitong sabi, nanatili itong nakapikit at ngayon kita ang pagtitiim bagang nito na tila ba ay nakakaranas ng sobrang sakit ng kalooban. “…kiss me.” Ulit nito.

May pag alinlangang inilapit ni Geoff ang mukha niya sa mukha nito at dahan dahang inilapat niya ang kanina pang uhaw niyang mga labi, malambot, masuyo ang ginawa niyang pagdanday. Tanging ang mahinhing pagkislot lang ang naramdamn niyang tugon nito kaya inilayo niya bahagya ang mukha at tinitigan syang muli na puno ng pagtataka.

“Please…d-don’t stop.” Sambit nitong muli.

Sa mga sanadaling iyon pawang sakit ang nadarama ni Anthony at sa halik ng estrangherong ito ay may gusto siyang patunayan sa kanyang sarili kung ang sakit ba na kanyang nararamdaman ay sakit ng pagkawalay ng minamahal o sakit ng pagkalito. Naramdaman niyang muli ang pagdantay ng mga labi ng lalaki, tumatantiya…masuyo…maingat. Kusa niyang iniumang ang mga labi at sa pakakataong iyon ay ginatihan niya ng isang mahinhin na halik ang lalaki. Tila ba iyon ang hinihintay na pagkakataon ng lalaki at naging mas mapangahas na ang mga halik nito, dama sa bawat sipsip nito ang kakaibang kiliting hatd na ngayon lang niya naramdaman sa kapwa niya lalake. Tuluyang naiwaksi ang kaninang sakit ng damdamin dahil sa mga nagaaalab na halik nito. Malikot ang kanyang dila at nagawa nitong pasukin ang kanyang bibig at ginalugad nito ang loob. Sa isip niya ay nandon ang pandidiri at muntik na niyang itulak ito palayo, ngunit sa halip ay nadama niya ang kakaibang sarap na kahit sa kanyang girlfriend ay di niya naramdaman…
ang kanyang girlfriend…
ang kanyang bestfriend…
sa kaisipang iyon ay naitulak niya ang lalaki. Natigilan at napatitig ng may pagtataka si Geoff, ngunit napalitan ito ng pagaalala ng bigla ay tumulo muli ang mga luha sa mata ni Anthony.

---
to be continued..

No comments:

Post a Comment