Showing posts with label quotes. Show all posts
Showing posts with label quotes. Show all posts

Wednesday, December 28, 2011

old times...

when i was a kid i used to sing

"A B C D E F G H I J K 'ELEMENO' P"

:)

-reposted from iamdwein17.blogspot.com

done...



"Since I have been so quickly done for
I wonder what I was begun for."


-anonymous
written on a tomb of an aborted child

Monday, December 19, 2011

bestfriend's love

most touching lines said by a bestfriend....

"when i die, don't come near my body...
because my hands may not be able to wipe your tears anymore."

Friday, December 2, 2011

Salamin


"Bakit ganon? Hindi ba’t sa pagharap mo lamang sa salamin makikita ang tunay na ikaw? Hindi ba’t hindi ito nakakapagsinungaling? Hindi bat ito ang sukatan ng perpektong pangarap lalo na sa isang taong pinagkaitan ng paglaya mula sa mundong nababalot ng lungkot at ligayang hatid ng imoralidad? Hindi bat sa pagharap sa kanya ay makikita ang perpekto at ang tunay na ikaw? Ngunit bakit ganon? Bakit ang perpekto ay nananatili paring katulad at kawangis ng realidad?"
-Salamingb!

Nakalimutan Kong Babae Pala si Cinderella

Nangarap lang naman ako tulad ng iba…na darating din ang aking prinsipe at isasayaw ako ng walang kapaguran hanggang sa pagpatak alas dose ng hating gabi, at sa huli ay ibibigay niya ang halik na gigising sa aking matagal na pagkakahimbing. Katulad ng lahat naniwala ako na darating siya…
Ni minsan ay hindi ko naisip na sa katauhan ko pala ay ang isang prinsipe na naligaw at nagaakala na may darating pang isang prinsipe upang siya’y sagipin…
Lumipas ang panahon at natutunan ko na dalawa lang ang mundong ating ginagalawan. Isang kasinungalingan at isang ilusyon…mga mundong tayo mismo ang may gawa. Sapagkat ayaw nating tanggapin ang katotohanang walang ligayang hated ang realidad, at tanging sa binalangkas na mundong ito lang natin matatagpuan an gating prinsipe.

-Nakalimutan Kong Babae Pala si Cinderella
gb!

Bakit Nagtatago si Adan



"..nagtataka ako kung bakit ang hirap sa tulad natin ang pagpapakatotoo? Na buksan ang puso at hagkan ang ating tunay na katauhan. Bakit hindi natin ipamahagi ang kahit na isang dakot ng pagmamahal sa mga katulad natin? Ibigin ang katulad, an gating mga kabaro? Ang mga katulad nating isinumpa hindi ng kapalaran kundi sila na nagsasabing tuwid sa mata ng Diyos at ng madla. ‘Di ba’t pag-ibig din ang hanap nila? Bakit hindi na lang tayo ang magmahalan? Bakit kailangang itago pa natin ang kagandahang sa dilim lang nailaladlad? Bakit pa natin hintaying sa putikan ilalagak ang putik kung kaya naman nating gumawa ng kastilyo mula sa kung anong putik meron ang ating pagkatao?"


-Bakit Nagtatago si Adan
gb!

'Pag Naging Kulay Rosas ang Gabi



Ngayong gabi…sa sandaling hinubaran ng kapa ang buwan, kapag ang bawat bituin ay bibigyang laya…kikislap ang bawat aninong matagal ng nagtatago sa dilim. Mahuhubad ang mga maskarang hinulma ng pagkukunwari. Dahil sa gabing ito, walang batas ang nagbabawal na hagkan ang tamis ng paglaya. Kalayaang ipinagdamot hindi ng tadhana kundi ng huwad na katotohanan… Hayaan mong halikan ng kasalanan ang mga labi ng kalungkutan…ng sa gayon Malaya mong maangkin ang ligayang hatid ng isang gabing paglaya mula sa mundong inari na ng mga banal at ng mga mapanghusga na ganid sa makamundong karapatan.

-'Pag Naging Kulay Rosas ang Gabi
gb!

Yosi Break

"...ganito kasi yon, parang nagyoyosi ka lang. kung sino ang tumutulong sayo upang hindi mo mahitit lahat ng nikotina…yun bang filter? Diba, sa bawat stik na hinihitit mo, sa bawat buga ay nadiyan siya para harangin ang nakakasama sa katawan mo? ‘Di ba pagkatapos maubos o pag nahitit mo na lahat yung yosi itatapon mo siya bilang upos upos? At hindi lang yon, hindi ba’t pagkatapon at ‘pag hindi ka nakuntento aapakan at yuyurakan mo ito hindi ba? Wala sa hinagap ng iyong utak ang makunsensya hindi ba? Dahil alam mong iyon ang nararapat. Dahil ginawa siya para dun, ginawa siya ng walang pagtatampo at galit sa sinulang handa siyang itapon...
Parang isang taong nagmamahal at hindi minamahal lang di yan…hindi siya nangangarap na magsasama kayo hanggang sa huli, dahil alam niyang pagkatpos siya gamitin ay mawawalan na siya ng silbi. Tama na sa kanya na sa bawat hitit at buga at ligayang hatid ng iba…ay nakailang ulit din niyang nadama ang init ng iyong mga labi."

-Yosi Break
gb!

Tatlo Kaming Nilikha


Sa simula…nilikha Niya si Adan mula sa alabok, at mula sa kanya ay hinugot si Eba. 
Dahil sa kasalanan sila ay itinakwil sa Paraiso…

Hindi ako produkto ng isang pagkakamali, nakalimutan mang itala sa kasaysayan ang aking pagsilang, isa lang ang sigurado ako…na ako ay nilikha Niya ng Siya’y napag-isa sa Paraiso. Nilikha niya ako ng buo at hindi Niya hinugot si Eba mula sa akin. Yan ang dahilan kung bakit dalawa ang aking katauhan…hindi ako kulang, hindi ako hati, hindi ako isinumpa!…bagkus ako ay buo, kumpleto at ako ay tulad din nila, nilikha upang lumigaya at hindi upang itatwa.


-Tatlo Kaming Nilikha
gb!

Thursday, December 1, 2011

never meant to be...


"A sad thing in life is that sometimes you meet someone 
who means a lot to you only to find out in the end 
that it was never bound to be 
and you just have to let go."

-anonymous

Monday, November 28, 2011

faithless


"Faithless is he who says farewell when the road darkens."


-J.R.R. Tolkien
Lord of The Rings

Friday, October 28, 2011

sweetest songs...



"The sweetest songs are those that tell the saddest things."

-anonymous

Sunday, October 2, 2011

Bed & Pillows


...he sleeps like a child, curled comfortably. He drifted in oblivion and in his face is the innocence of a man I never thought I found. I watched him in bliss as he breathe in silence. My heart beats fast as I gently touched his face...I feel so contented and lulled.

I’m inlove and I’d rather gave up everything just to have that one breath of his hair...and to whisper my secret “I love you” again as he gently dreams.


-bed and pillows
by gb!

Wednesday, September 28, 2011

waiting...



"Since heaven had claimed my soul
I'm waiting for Him to claim my body."


-anonymous