Friday, August 17, 2012

Hubaran Mo Si Adan





"...tama na ba? Kuntento ka naba sa nakikita mo?
sapat na ba ang kahubdang ito upang mapuno ko
ang iyong pagkauhaw sa katotohanan?

Katotothanang ikaw mismo ang may pamantayan...
pamantayang salungat sa aking pag katao.

Nakikita mo ba ang katawang ito,
ang tanda ng aking pagkalalaki?

Sapat na ba ang  nakikita ng iyong mga mata
upang husgahan ako at ipagkanulo ang aking katauhan?
Sapat na bang dahilan ang iyong nakikita upang
ipamukha sa akin na ako ay instrumento sa isang imoral na mundo?

Aling karapatan ba ang pwede mong iamot sa nahusgahan kong pagkatao
ang pwedeng magpalaya sa akin at sa mga katulad ko?

Magagawa mo pabang hubaran ang hubad ko nang katawan
upang masilip ang tunay na ako,
at ang kakarampot na pag-asa sa masikip at madilim kong mundo?
 Pag-asang ako din ay matanggap ng lipunang pinamumugaran
ng mga tulad mong pinagpala?

Hindi ba't iyon ang mahalaga,
kung ano ang nasa kaibuturan ng aking hubad na puso?

Pagmasdan mo ang aking kahubdan, sapat na ba ang nakikita mo?" 



-"Hubaran Mo Si Adan"
gb! 

No comments:

Post a Comment