Monday, July 25, 2011

Beautiful Andrew Part II of V


Beautiful Andrew
by glenmore bacarro

Chapter 3

“They told me, you’re still not in to it… Andrew, beautiful Andrew, they knew best.” mula sa pinto ay biglang sumulpot si Carl, nakatalikod siya dito at nakaharap siya sa bintana at nakatanaw lang sa kawalan.

Napapikit siya pagkarinig niya sa boses nito, nasasanay na siya sa pagtawag nito sa kanya ng Beautiful Andrew, at ang malamyos nitong boses ang tila ba nagbibigay lakas sa kanya kung kayat hindi pa sya tuluyang gapiin ng sakit niya gayung tinanggihan na niya ang ibang mga gamot at maging ang magpaopera, natanggap na niya ang kamatayan niya, ngunit sa bawat sandaling nakakasama niya si Carl ay sumusilay ang pagasa sa kanyang dibdib.

Lumapit siya sa tabi nito at itinuon din niya ang tingin sa kawalan, medyo mataas pa ang araw sa bandang kanluran, ang liwanag mula sa bintana ay dagling tumama sa pagod niyang mukha, wala ang sigla na dati rati ay laging nakasilay rito. Napabuntong hininga ito, malalim na tila ba ninanamnam ng bawat himaymay ng kanyang katawan ang hangin na kanyang nilalanghap, dinig na dinig ito ni Andrew.

“Ano ang pinaguusapan niyo kanina ni nurse Nel,” tanong nito na hindi parin nakatingin sa kanya “narinig ko ang pangalan ko…b-bago ako himatayin.” Sinulyapan niya ito.

“Nothing, it’s…it’s about…n-nothing. Wag mo nang isipin yon, may mga bagay kang dapat pagtuunan ng panahon kesa don.” Sagot ni Carl na iniiiwas nito na magtama ang kanilang mga mata.

Napabuntong hininga si Andrew, at hindi na nagsalita pa, tama si Carl may mga bagay na mas higit niyang pagtuunan ng pansin, itinuon niyang muli ang tingin sa malayo.

“Come, I’ll show you something” bigla ay bumalik ang sigla sa boses ni Carl, nakangiti ito at kita sa mga mata ang tila sorpresa na gusto niyang ipakita dito.

Tatanggi na lamang sya ng hilahin ni Carl ang kanyang kanang kamay at akayin siya patungo sa pinto.

Naglakad sila sa may pasilyo at tumigil sa harap ng elevator, nasa pangalawang palapag ang kanyang kwarto. Hindi parin mawala ang ngiti sa mga labi ni Carl, sumakay sila at pinindot niya ang number 5 ang pinakamataas na palapag.

Pagkalabas sa elevator ay inakyat nila ang ilang hakbang na hagdang bakal patungo sa isang makipot na pinto, tumigil sandal si Carl, humarap kay Andrew at ngumiti ng matamis.

“Ready?” tumango siya bilang tugon, “here we go…”

Binuksan niya ang pinto, sa una sinalubong sya ng nakakasilaw na araw, ilang sandali din siyang nagadjust ng paningin matapos ang ilang pagkurap, at unti unti ay tumambad sa kanya ang animoy mala harding tanawin, ang halos kabuuan ng rooftop ay puno ng halaman at bulaklak, isang landscape masterpiece sa isang lugar na hindi mo aakalain na pwedeng maging ganon.

Hindi niya akalain na sa itaas pala ng hospital na iyon ay may mala langit na lugar, sa hilagang bahagi ay nakapila ang mga bansot na kawayan na halatang alagang alaga, kasama ng mga ito ang manaka nakang halaman na mala cherry tree na nagsisimula palang mamukadkad ng mga matiting kad nitong bulaklak.

Sa isang sulok ay isang fountain na bagamat hindi umaandar ay mas nagbigay buhay sa paligid dahil sa kumakapal na mga lumot at ferns na nakakapit na ditto, sa kabila ay nakatayo ang isang maliit na nipa cottage na tulad ng sa mga de kalibreng resort, dahil na din sa nakita niyang nakausling aircon sa isang sulok nito.

Nakatayo siya mismo sa pathway na gawa sa bricks at pebbles, na tila ba isang hari na maglalakad patungo sa kanyang trono, sa magkabilang gilid ay sari saring mga bulaklak at halamang nakaayos na sobrang nakakaaya sa mata. Itinuon niya ang tingin sa kung saan patungo ang pathway at hindi niya napigilan ang mapangiti at mamangha ng makita niya ang isang maliit na gazebo, doon ay may bakal na swing na nakasabit sa dalawang poste ng gazebo na halos puluputan na ng puti at pulang vine rosesna hitik na hitik sa bulaklak.

Sa tabi nito ay isang maliit na puno na wala ng mga dahon at may mga napakaraming sanga, parang patay ang punong iyon, ngunit mas nabigyan nito ng kakaibang buhay ang kabuuan ng tanawin.

Napakaromantiko ng lugar, at hindi niya mapigilan ang ihakbang ang mga paa at tinungo ang duyan, naupo sya doon at nilingon si Carl na seryosong pinagmamasdan sya.

“I never thought may ganitong lugar ditto…” iginala niya ang paningin sa paligid “bakit ngayon mo lang ako dinala ditto?” kunwari ay nagtatampong ingos niya rito. Napakamot lang ng ulo nakangiti at pailing iling ang papalapit na si Carl.

Naupo ito sa tabi niya, at itinuon ang tanaw sa nakakasilaw pang araw, napapikit siya at ninamnam niyang muli ang paghugot ng napakahabang paghinga.

Pinagmamasdan sya ni Andrew, at bumilis ang tibok ng kanyang puso, halos gusto niyang yakapin ito at haplusin ang maamo nitong mukha, napagmasdan niyang tila humumpak ng kaunte ang mukha nito, parang nagbawas ito ng timbang na syang lalong mas bumagay ditto dahil mas napansin ang prominente nitong cheekbones at panga.

“But this is not the thing I want to show you” putol ni Carl sa kanyang pangangarap.

“Huh? May mas maganda pa ba dito, saan?” aniyang luminga linga.

“Wait for me here” tumayo ito at tinakbo ang cottage sa bandang likod.

Naghintay siya ng ilang saglit, lumabas ito na may hawak na tabo na may lamang tubig.

“Come, fallow me.” Sumenyas ito sa kanya na sundan siya.

Naglakad ito patungo sa sulok kung saan ay nagtapos ang mga nakahilerang bansot na kawayan, huminto ito saglit sa may harap ng halamang parang cherry tree, hinawi niya ang isang sanga nitong halos mabali na dahil dami ng kulay peach na bulaklak nito.

Sinulyapan niya si Andrew at sinenyasang lumapit, “Come, I want you to see it.”

Lumapit siya, at hinanap ang anumang bagay na tinutukoy nito ngunit wala siyang Makita, napakunot siya ng noo at tiningnan si Carl ng may pagtataka.

“Ahaha…” pagak na tawa ni Carl, “there…there it is beautiful Andrew” at itinuro ito.

Sinundan niya ng tingin ang itinuturo nito, at hindi niya naitago ang pagkadismaya sa nakita.

Sa sulok ng gusali, isang bahagi nito ang tila ba marupok sapagkat tila gumuguho na ang mga bato, at doon ay may isang halamang tumubo sa isang halos naka hung na bato, na kung hindi dahil sa mga ga-hiblang ugat nito na nakakapit sa mas matibay na parte ng pader ay gumuho na rin ang batong kinapitan nito na kung mangyayari man ay maaaring isasama din nito sa paguho pababa ang halamang nakakapit dito.

“I always see to it na hindi ito nagagalaw ni Nel o ni manong Jessy…yung taga pagalaga sa garden na ‘to, baka kasi pag sila ang nagalaga sa halamang ito ay baka tuluyang mahulog,” isinawsaw niya ang kamay sa tabo at maingat na pinapatak ang tubig sa mismong mga ugat ng halaman, kailangan pa niyang i-bend ang katawan upang maabot ito “imagine…five floors, wouldn’t that be a certain death?” tila tanong nito sa sarili habang ipinagpapatuloy ang pagdidilig. “hindi ko hahayaang mangyayari iyon sa kanya” aniyang may pagmamahal sa mga mata.

Nakaramdam ng tila pag kainggit si Andrew, mabuti pa ang halamang iyon at pinapakitahan ng pagmamahal ni Carl, pagmamahal ng parang sa isang kabiyak. May topak ba ang taong ito? Sa dinami rami ng halaman dito sa garden any yung suicidal pa ang trip alagaan? tanong ni Andrew sa sarili.

“You’re like this plant, you know?” bigla ay sabi nito.

“Huh?” naguguluhang tugon niya “Ako? Bat mu naman nasabi yan?” pag kuwa’y tila kinilg sa kaisipang ang halamang kinaiinggitan niya ay inihahalintulad sa kanya.


“That you still have a chance, that as long as your roots grasped this wall you won’t fall” seryosong turan nito. Patuloy lang ito sa matagalang pagdidilig.

“Ows? Then maybe you’re the stone kung saan ako nakatuntong?” may panunuksong wika niya.

“Bakit mo naman nasabi ‘yon, huh?” itinigil nito ang pagdidilig, ipinunas ang basang kamay sa laylayan ng kanyang damit.

“That as long as you’re there I wont fall?”

“Shouldn’t that would be the other way around? That the fate of the stone depends on the plant, remember your roots hold me.” Napakaseryosong turan nito, noon lamang siya nakita ni Andrew na naging ganon ang reaksyon.

Ngumiti lamang siya, gusto niyang sabihin dito na sya ang dahilan kung bakit sya masaya at syang dahilan kung bakit hindi pa sya tuluyang bumibitaw. Nais niyang iparamdam dito na mahal na mahal na siya nito. Gusto niyang ipagsigawan sa mundo na handa niyang gawin ang lahat maangkin niya lamang ito. Nakatitig sya sa mga labi niya at pinipigilan lamang niya ang sariling siilin ito ng halik.

“This plant will bloom orange, or perhaps yellow…yes, I like it yellow.” wala sa sariling pagiiba nito sa usapan.

“Tangek! Adik ka talaga, puti at at violet lang ang kulay ng bulaklak ng halamang yan.”

“Hahaha..I know, but I want this one to bloom in pale yellow, that’s why I think this one is special”

“E ano naman ibig sabihin niyan sayo pag namulaklak nga yan ng dilaw?”

“Sus..tinatanong paba yon? Syempre it means…” tumingin ito sa kanya at ngumiti ng nakakloko “it means you are my Beautiful Andrew” sabay halakhak nito ng matutunog na tawa.

“Tarantado!” ngunit hindi niya din mapigilan ang matawa, “halika na nga, baka lamukin ka pa d’yan.”


Chapter 4

“Do you believe in miracles?” walang anu ano’y tanong ni Carl habang naglalakad sila pabalik sa gazebo.

Napatigil saglit si Andrew sa paglalakad at tiningnan kung seryoso ito, “oo naman…bakit ikaw, naniniwala ka?” sagot niya.

“Oo…I do believe in miracles, everyday is a miracle, life is a miracle itself…” sagot nitong malamlam ang mga mata “even you, Beautiful Andrew…you’re a miracle.”

Ngumiti siya sa tinuran nito, “Have you found your miracle, Carl?” tanong niyan muli.

“Probably…” biglang lumungkot ang mukha nito at iniiwas ang tingin, “Have you seen my miracle?” halos kasabay din nitoy ang muling pagsaya ng kanyang boses.

“You have miracles, huh? Ano yun aber?”

“That’s for you to find out, you’ll know it’s my miracle when you saw it…” tumigil ito saglit at sumeryoso ang mukhang tinitigan siya nito, “Andrew, I want you to live… I want you to live and see my miracle.”
Naaaninag sa mga mata nito ang tila pa paghihirap ng kalooban.

Nais niyang yakapin ito sa mga sandaling iyon, nais niyang ipagtapat na dito ang nararamdaman, ngunit tulad ng dati ay parang naramdaman ito ni Carl at umiwas.

“Sa..sandali l-ang, ibabalik ko lang ‘tong tabo, at…at the cottage,”

“Sama na ko, isa pa gusto ko ring makita ang loob niyan,” inginuso niya ang cottage.

Sumunod sya rito, pinagbuksan siya ng pinto at pinatuloy


“Dito ako mas lumalagi pag wala ako sa kwarto ko sa 2nd floor, this is my resting place, when I want to unwind, to relax…”

Simple ang loob ng cottage,sa gitna ay may isang kama na kasya ang dalawa, sa tabi nito at side table na may lampshade, nakaharap ito sa isang tv at dvd set. Sa bandang kanan ay may pinto patungo sa isang maliit na cr. Sa kaliwa ay may isang malaking bintanang natatakpan ng malambot na puting kortina, nakaharap sa may kanluran kalinya sa may gazebo, kita ang halos buong garden, dito ay may maliit na mesang salamin at dalawang bakal na upuan na may dalawang kulay pulang throw pillow. Sa mesa ay may nakapatong na orchid sa isang maliit na paso, may pulang bulaklak din ito. Simple ngunit parang napakasarap tirhan kung masasabi na bang tirahan ang cottage na yon.

Lumapit siya sa may bintana at hinawi ang putting telang nakatabing, malapit ng lumubog ang araw, at halos anino na lamang ng lahat ng bagay ang naaaninag, napakaganda ng tanawing kanyang nakikita, hindi nakikita ng buo ang papalubog na araw dahil sa puno sa may gazebo ay natatakpan ng mga dahon nito. …mga dahon… napasinghap sya. Parang kanina lamang ay patay ang punong iyon.

Natawa si Carl, kanina pa pala ito sa tabi niya at pinagmamasdan siya, may hawak iton dalawang bote ng San Mig.Light. marahil ay nabasa nito ang iniisip niya, iiling iling na ipinahawak nito sa kanya ang isang bote at ipinatong ang sa kanya sa mesa, may kung anong inabot ito sa gilid ng bintana.

“Tirador?” manghang tanong ni Andrew, talagang may sayad na ata ang lalaking ito, sa isip isip niya.

Mula sa may mesa ay pinulot ni Carl ang tansa, niyupi niya ito sa gitna gamit ang mga daliri at walang imik na ibinala sa tirador, itinutok niya iyon sa puno at pinakawalan ang bala.

Parang sumabog ang paligid, dahil ang katahimikan kanina ay binulabog ng mga pakpak na nagpapagaspas, halos limampung ibon ang nagsiliparan mula sa patay na puno sa may gazebo. Hindi mapigilan ni Andrew ang mamangha, dahil bukod sa mga ibon ay tumambad sa kanya ang papalubog na araw na na-accentuate ng mga sanga ng patay na puno, na tila ba mga ugat na nananalaytay sa kabuuan ng papalubog na araw, mga aninong nagpabitak bitak sa araw, at tuluyang umagos ang maladalandang sinag nito sa kabuuan ng silid.

“Hindi talaga ako magaling na shooter, too bad not a single one fell” si Carl, abot tenga ang ngiti.

“It’s beautiful… the sun, the tree…”

“Yup, that was not intended, I used to watched the sunset d’yan sa gazebo kasi hindi ko nakikita ng buo mula rito, but when the tree died, ditto ko na lagi pinagmamasdan ang araw sa kanyang pamamalam…” tila may kung anong bikig sa kanyang lalamunan ng bigkasin niya ang mga salitang iyon, “then the birds came…”

“Yeah…the birds, unbelievable…and the tree.” ulit nito.

“Even death has its own beauty…” wala sa sariling sagot ni Carl, seryoso ang mukha nito at sa mga mata ay nagngingilid ang mga luha, iyon ang kauna unahang nakita ni Andrew ang lungkot sa mga mata ni Carl “that tree, though dead, adds beauty to the sunset, it adds beauty to every goodbyes.”

Mataman niyang tinitigan si Carl, “C-arl…” anas niya.

“I want you to live, Andrew” mahina ang salitang iyon, “be like those birds, they fly, they sing and they can make that tree spring to life again, every after goodbyes, every after sunset.”

Pumatak ang unang butil ng luha sa kanyang mga mata, hindi sya makaimik, tinanggap na niya na hindi na sya gagaling, tinanggap na niya na tanging himala lamang ang makakapagpagaling sa kanya. Paano niya sasabihin sa kanya na kaya ayaw niyang magpaorera ay dahil takot na siyang baka paggising niya ay magbabago ang lahat, paano kung hindi na sya magising at magiging pasanin na lang bilang lantang gulay?

Muntik na niyang ikamatay ang unang operasyon, mas nanaisin na laman niyang hayaang gapiin ng cancer ang kanyang katawan kaysa madiliin niya ang kanyang kamatayan.

Lumabas sa banyo si Carl at mukha na itong nahimasmasan, nakalahati na niya ang iniinom niyang beer sa kahihintay dito. Umupo siya sa isa sa mga silya, madilim na ng mga oras na iyon tanging ang liwanag galing sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa loob ng cottage. Sa garden nakabukas ang mga ilaw doon ngunit hindi parin ito kasing ganda sa tuwing umaga.

“Andrew, can you promise me one thing?” seryoso si Carl, at napakislot si Andrew sa tinuran nito, hindi na sya nasasanaw na tawagin ito sa pangalan lamang niya.

“Yes, Carl?” pagdidiin nito.

“C-can you promise me that you’ll never fall inlove with me?” tumitig sya sa kanya, binabasa ang kanyang reaksyon.

“Ah-..wha..t?...” pautal na tanong ni Andrew, gayong dinig na dinig niya ang sinabi nito.

“Promise me not to love me, that you won’t fall…”

Paano ba niya sasabihin kay Carl na nahulog na siya ng husto, na mahal naa mahal na niya ito. Heto sya ngayon at pinapapangako niya siya upang waag siyang mahalin, ngunit bakit? Bakit ayaw niyang siya ay mahalin, alam niyang nagsisinungaling lamang ito dahil ramdam niya mahal rin sya nito.

“What if I can’t?” mapaghamong sagot niya.

“Then perhaps, we should stop seeing each other…” seryosong tinitigan sya nito.

Sinalubong niya ang mga titig na iyon at sarisaring emosyon ang kanyang nararamdaman. Halos sumabog ang dibdib niya sa lakas ng kabog ng kanyang puso, at may kung anong pwersa ang nagtulak sa kanya upang ilapit ang mukha niya at dampian ng halik ang mga labi ni Carl. Malambot ang mga labi nito kahit hindi ito gumanti, bagkus ay napapikit lang si Carl at hinintay ang paglayo ng halik niya. Dumilat ito, sa kanyang mga mata ay nababanaag ang labis na paghihirap sa pagsikil sa kanyang damdamin.

“Promise me, Andrew…” halos pabulong na wika nito. “Don’t fall inlove to me…don’t love me, say it…promise me.” sa kanyang mga mata ay ang pagsusumamo.

Sa halip na sagutin ay nagtangkang halikan niyang muli ito ngunit umiwas si Carl.

“Say it… promise me.”

“P-pro…mise.” At iyon ang nagsilbing hudyat upang muli ay maglapat ang kanilang mga labi.


to be continued...

No comments:

Post a Comment