Monday, July 25, 2011

Beautiful Andrew Part V of V


Beautiful Andrew
by glenmore bacarro
----

You were just the dream that I once knew
I never thought I would be right for you…
I just can’t compare you with
Anything in this world…

Habang naglalakad sya papalapit sa nurse station ng umagang iyon ay dinig niya ang kantang pumapainlang sa paligid galing sa FM Radio na nakagawian nang pinapakinggan ng mga nurse sa 2nd floor station, napangiti siya at naalala niya si Carl.

Ang mga ngiti nito, mga halakhak na animoy pagaari niya ang mundo. Ang paraan nito ng pagsasalita lalung lalo na pag binibigkas nito ang Beautiful Andrew at hindi niya makalimutan ang napakaseryosong mukha nito ng minsang napagusapan nila ang paborito nitong halaman sa rooftop, “Shouldn’t that would be the other way around? That the fate of the stone depends on the plant, remember…. your roots hold me.”

Napangiti siya ng maalala niya ang kanilang nakaraan, ang pagibig na pinagsaluhan nila sa tuktok ng hospital kung saan siya naroroon ngayon.

…as endless as forever
you’re all I need to be with
forevermore….

Ilang minuto din siyang nakatayo at ninanamnam ang kanta sa FM Radio kaalinsabay ng mga alaala niya kay Carl, bago siya napansin ni Arlene, ang nurse na malapit kay Nel.

“Sir Andrew an gaga niyo naman ata, hinahanap niyo ba si Nel?” tanong nito sa kanya.
Tumango lamang siya bilang tugon, bahagya siyang nainis dahil pinutol siya nito sa kanyang pangangarap panaginip.

“Nandito na siya, kagabi pa…dumating siya bago ako mag out, sabi ni Leo hindi pa raw sya umuuwi dahil nakita niya kanina na bumaba galing dyan sa taas” sabay nguso na ang tinutukoy ay ang rooftop.

“Nasaan siya ngayon?” tanong niya.

“Hindi ako sigurado, pero baka nandyan sya sa kwarto ni Sir Carl” kumabog ang dibdib niya pagkarinig palang sa pangalan ni Carl. Aalis na lamang sya upang puntahan ang kwarto sa dulo ng 2nd floor ng nagtanong si Arlene.

“Sir Andrew, n-nagaway ba kayo ni Nel? O..o nagaway ba sila ni Sir Carl, dumating kasi siya dito at dumiretcho sa taas kagabi na mugto ang mga mata at halatang pagod na pagod…a-akala ko nga papasok siya para sa duty, pero tila wala sa sariling hindi pa ako pinansin.” nagtatakang tanong ni Arlene,

“Pinabayaan ko na lamang sya, siguro pagod lang talaga…at si sir Carl nga po pala, may balita ka sa kanya? Matagal ko na siyang di nakikitang kasama mo o ni Nel?” mahabang pagpapatuloy ni Arlene.

Nagkibit balikat na lamang si Andrew at bahagyang nagalala sa mga tinuran ni Arlene, “ano kaya ang problema ni Nel, problema kaya sa relasyon nila ni Carl” tanong niya sa sarili, at mula sa kawalan ay tila narinig niyang muli ang mga salita nito kamakailan “magpaparaya ako…” lihim na nabuhayan siya ng pagasa.  “alam na kaya nito na lubusan na siyang magaling, kung kayat tinupad lang nito ang pangakong pag-ibig sa pagitan nila ni Carl?” ayaw magpaawat ng kanyang puso sa mga bagay na kanyang inaasam asam, napamura siya at lihim na pinagalitan ang sarili.

Kakatok pa sana siya ngunit napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto, tahimik na pumasok siya at sinalubong siya ng madilim na silid, mag aalas nuebe na ng umaga ngunit nakasara ang mga bintana at ang makakapal na kortina ay nakatabing dito, ang tanging ilaw lamang sa paligid ay ang bughaw na liwanag na nanggagaling sa naka stand-by na tv sa video mode.

Sa kama ay ang nakaupong si Nel, mula sa makulimlim na liwanag ng tv ay nababanaag niya ang mga matang mugto at ang walang kaparis na kalungkutan.

Binuksan niya ang ilaw, at bahagya siyang nagulat sa kanyang nakita, pinagmasdan niya si Nel, magulo ang buhok nito at hindi nakaahit ng ilang araw dahil sa mahahaba na nitong buhok sa mukha, pati ang pag ligo ay tila nakalimutan na nito puno ng tuyong putik ang mga kamay nito maging ang dilaw na damit ay nanililimahid, humpak ang mga pisngi at ang kapaguran ay nakikita sa mga nangingitim nitong ilalim ng mata, at ang kanayang mga mata… puno ng paghihirap at pangungulila.

Lalapitan na sana niya si Nel ng lingunin siya nito, nagtama ang kanilang mga mata at walang anu ano’y dumaloy ang luha sa mga mata nito.

“He loves you…m-more than anyone else,” mahina ang boses na humikbi ito “I’m sorry for everything Andrew, I want you to know that Carl never ceased to love you”

“A-anong…?” naguguluhang tanong ni Andrew, ngunit may kung anong bikig na ang bumamabara sa kanyang lalamunan at ang tila sasabog na niyang dibdib.

“H-he’s gone, Andrew…Carl’s gone” halos pabulong na sagot ni Nel.


Chapter 11

“H-he’s gone, Andrew…Carl’s gone” halos pabulong na sagot ni Nel.

Nakakabingi ang kabog ng kanyang dibdib, alam niyang hindi nagsisinungaling si Nel, ayaw tanggapin ng kanyang isipan ang narinig, para siyang tuod na nakatayo at nakatitig lamang kay Nel, sari saring emosyon ang gustong kumawala ngunit alam niyang sa isang salita lamang niya ay tuluyan siyang gagapiin kanyang emosyon.

Hindi rin niya napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng kanyang mga luha, “H-ho..how? pa-panong…?” garalgal na boses, nagmamakaawa ang kanyang mga mata upang sabihin sa kanya ni Nel na nagbibiro lamang ito. ngunit nanlulumong napayuko lamang si Nel dahil hindi niya kayang makita ang paghihirap ni Andrew.

“L-like you, he had been diagnosed to have a c-cancer… a tumor in his brain” panimula ni Nel, gayung hirap na hirap ito sa kanyang emosyon,

“…kinukundisyon lamang niya ang katawan para sa operasyon niya,” nilingon siya ni Nel at pag kuway sumilay ang mapait na ngiti sa kanyang mga labi “remember the day when you first met him?” tanong nito.
Napapikit si Andrew sa alaalang iyon.

“He’s supposed to meet Dr. De la Cruz, para sabihing handa na siya sa operasyon…but,” muli ay sumilay ang mapait na ngiti “but he met you,” nababanaag sa mga mata ni Nel ang pait at pagsisisi, “he said he loved you at the very first time he laid his eyes on you, at the very moment he called youBeautiful Andrew” sandaling tumahimik si Nel, tanging mga hikbi na hindi niya mapigilan ang pumapailanlang sa katahimikan ng silid.

Nakagat ni Andrew ang pangibabang labi upang pigilan ang paghagulgol, ngayon ay malinaw na sa kanya kung bakit pinutol ni Carl ang sanay buong pagpapakilala sa kanya ni Nel, ayaw nitong malaman niya ang kanyang sakit. “Beautiful Andrew” sariwa parin sa kanya ang mga alaalang yon.
“But why?...bakit hindi niya itinuloy ang operasyon?” tanong ni Andrew, na para bang tinatanong niya ang sarili, dahil bukod kay Carl ay alam niyang siya mismo ang mas higit na nakakaalam sa pakiramdam ng kawalan ng pag asa…pag asa, natigilan siya dahil alam niyang kung inihahanda lang si Carl ay may tyansa itong magapi ang sakit nito.

Ang sagot sa kanyang tanong sa sarili ay nasumpungan niya sa mga sumunod na salita ni Nel.

“Wala kaming relasyon ni Carl bukod sa magkaibigan,” pinunasan nito ang basang pisngi, “bukod sa kanya ay ako at si Dr. De la Cruz lang ang nakakaalam ng kanyang sakit, ako na kanyang kaibigan at private nurse at si doc na matalik na kaibigan ng kanyang ama”  dagling tumatag ang boses ni Nel habang inilalantad niya ang katotohanan tungkol sa kanila ni Carl.
“when he met you, he suddenly called off the operation…”

“Why?” putol ni Andrew.

“Because of you, Andrew!” matigas ang salitang bigkas ni Nel, “because he fell in love with you, because he doesn’t want to forget you, he doesn’t want his memory of you to be lost forever…” humina ang boses niya at gumaralgal muli “the operation can take out part of his memory, maaring mawala ang mga alaala niya kapag naoperahan siya, and perhaps his eye sight too.” rebelasyon ni Nel.

Napamaang si Andrew, hungkag ang pakiramdam niya, hindi siya makapaniwala sa mga narinig.

“Ilang bese ko siyang pinagsabihan, ilang beses kong sinubok na sabihin sayo, na ipagtapat sayo…because I knew, from that day minahal mo na rin siya. Andrew, forgive me but that’s what he wanted, ayaw niyang ipaalam sayo..d-dahil ayaw ka niyang masaktan, ayaw niyang mawalan ka pag asa upang lumaban sa sakit mo.”

Pilit inaalala ni Andrew ang mga sandaling nahuhuli niyang nagtatalo sina Carl at Nel, maging ang huling komprontasyon nila noong Christmas party nila.

“I’ve done my part, Andrew…now its your turn to do yours,” mula sa kanyang bulsa ay may inilabas itong putting sobre at iniabot sa kanya, “pareho nating minahal si Carl, magkaiba lang tayo ng pamantayan, ako bilang kaibigan at ikaw bilang umiibig…”

Pinihit ng mga maputik na kamay ni Nel ang door knob at humakbang palabas, ngunit bago ito tuluyang nakalabas ay lumingon itong muli kay Andrew at garalgal na tinig ay nagiwan ito ng mga salita na alam niyang galing mismo kay Carl.

“Andrew, when the stone falls…it doesn’t mean that the flower will fall too.” Isinara niya ang pinto at naiwang mag isa si Andrew sa kwartong iyon.


Pinindot ni Andrew ang play botton sa video cam na nakakabit sa tv, wala na si Nel at mula sa binigay nitong sobre ay ang video tape. Bago pa man pumailanlang ang boses ni Carl ay hilam na ng luha si Andrew habang nakatitig sa mukha ng taong minahal at minamahal niya sa screen.

Mula sa screen ay si Carl, kapansin pansin ang humpak ng kanyang mga pisngi, wala na ang dating buhay sa kanyang mga mata bagkus ay napalitan ng paghihirap at lungkot. Halatang hirap na hirap ito sa simpleng pagupo lamang at ang panginginig ng kanyang mga kamay ay sinusubukan nitong itago sa camera. Nang maayos na ito sa pagkakaupo mula sa kanyang kama ay tumitig ito sa camera at sa paos na boses na tila ba hindi kanya ay nagsalita ito.

“A-Andrew, Beautiful… Andrew.” panimula nito, sa pagkarinig nuon ay napasinghap at yumugyog ang balikat ni Andrew sa walang kapantay na sakit na nararamdaman.

“…before I start, I want you first to forgive me.” Tumigil ito saglit at tinitigan ang camera, na animoy tumatagos sa screen. “…forgive me for lying, forgive me for not showing you how much I love you.”pumatak ang unang luha sa kanyang mga mata, sa nanginginig na kamay ay pinunasan niya agad ito.

Nananatiling natitig si Andrew sa screen, gusto niyang yakapin ito ngunit alam niyang hindi na niya kahit kailanman mararamdaman ang init ng mga yakap nito.

“kapag napanood mo ito ay alam kong magaling kana, I asked Nel to give it to you when you’re free from your illness, even if I die first.” Alam niyang hindi ito sinunod ni Nel dahil hindi pa nito alam na magaling na siya.

“Andrew, hindi ko man nasabi sayo pero mahal na mahal kita…it’s ironic right na ayaw kong magpaopera pero ipinipilit ko sayo na gawin mo ito” pagak siyang natawa “life is beautiful, ngunit mas nanaisin ko pang mamatay na kasama ang mga alaala mo sa aking isipan… mga alaalang alam kong hindi ko kilanman pagsisihan…your face Andrew,” inabot ng kanyang kamay ang lens ng kamera, pinadaan niya ang mga nanginginig na daliri sa kabuuan nito, napapikit si Andrew, tila ba nararamdaman niya ang pagguhit ng mga maiinit na daliri ni Carl sa kanyang mukha tulad ng lagi nito ginagawa sa tuwing binibigkas niya ang Beautiful Andrew…nagpatuloy ito makalipas ang ilang saglit.

 your beautiful face, how can I let them operate me and soon will forget the way you look? Everything about you, every single memory we’ve shared. They are not sure na babalik pa ang mga ito, papaano kung kapalit ng paggaling ko ay hindi ko na makikita ang iyong mukha at hindi ko na maalala na nakilala kita, maaring makalimutan ko rin na mahal kita at iyon ang hindi ko kayang ipagsapalaran..
Mas nanaisin kong mamatay kasama ang iyong mga alaala at mamatay na minamahal kita than to live yet we’re strangers towards each other…” ngumiti ito ng may kahalong pait.

Remember the night of our Christmas Party, the night after you sung your song? If you could just know how how happy I am when you announced that youre going to do the operation…kung alam mo lang kung gaano ang pagnanais kong hagkan ng mga oras na iyon, but… but you broke your promise there and then… I don’t want you to love me Andrew, yes I am selfish… but I want you to continue life as beautiful as who you are…” huminto sandali si Carl at hinabol niya ang paghinga, hirap na hirap ito kahit sa simpleng pagpapakita lang ng emosyong hindi niya mapigilan.


“Nel asked me to reveal our secrets to you, but I’m afraid you’ll let yourself die too…” tila may kung anong inalala si Carl “remember when you equated me to that stone where that plant grow?” wala sa sariling napatango si Andrew bilang kasagutan sa tanong nito “it was then I knew that you love me, and that you’ll die too when that stone falls…but Andrew, when the stone falls, the flower wont have to die. Ipagpatuloy mo ang mabuhay at tuparin mo ang pangako mo sa akin…”

“When I saw you kissing that guy in ‘your’ room…” saglit na natigilan si Andrew, lingid sa kanya ay nakita pala ni Carl ang tagpong iyon. “I fallowed you there to tell you the truth, but when I saw you kissing him… when I saw you kissing him, it dawned on me that I can’t give you everything you want because I’m dying. Doon ko napagisip isip na may mas higit pang darating sa buhay mo, higit sa anumang kaya kong ibigay, na makaksama mo hanggang sa pagtanda… the thing that even in dream ay hindi ko maibibigay sayo… kaya ako lumayo, habang kaya ko pa.” hindi na mapigil ni Carl ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan “habang kaya ko pa, habang sariwa pa sa alaala ko ang mga bagay na nagpapatunay na hindi kita mapapaligaya, habang napipigilan ko pa ang sarili ko upang hindi sabihin sayo ang totoo.”

“Andrew… Beautiful Andrew, ipagpatuloy mo ang buhay…para sa akin, para sa atin.”

Ilang saglit pa ay blangko na ang screen ng tv, hilam ng mag luhang nakaluhod si Andrew sa harap ng screen, sapo ang kanyang dibdib ay impit ang kanyang pagiyak, pilit niyang pinipigilan ang paghagulgol kung kayat makailang ulit ang pagyugyog ng kanyang balikat. Tinitikis niya ang paghiyaw, walang boses na paulit ulit niyang binibigkas ang panglan ni Carl, at ang tila pagsabog ng kanyang dibdib dahil sa sakit nanararamdaman…

“Madaya ka Carl…” sa kaibuturan ng kanyang puso ay kinakausap niya si Carl “madaya ka…bakit mo ginawa ito sa akin? Bakit mo ipinagkait sa akin ang mga sandaling alam kong maaari pang gawan ng masasayang alaala… ikaw na nagbigay ng lakas ko upang labanan ang sakit na pareho nating iniinda, bakit sa atin pa nangyari ito, bakit? Mahal na mahal kita at baka hindi ko makayanang mabuhay ng wala ka…”


Chapter 12

Hindi alintana ni Andrew ang gutom at pagod sa kakaiyak, ilang beses na niyang pinaulit ulit ang video ni Carl at paulit ulit parin siyang humahagulgol, ang boses ni Carl ang para bang nagaalo sa kanyang paghihirap, ngunit kasabay din nito ay ang bigat ng kanyang kalungkutan sa tuwing napagmamasdan niya ang taong minamahal.

Dapithapon na ng mahimasmasan ng kaunti si Andrew, tumayo at lumabas siya sa kwartong iyon ng may kasiguraduhang mga hakbang. Tila wala sa sariling umakyat sya sa hagdanan at hindi pinapansin ang mga taong bumabati sa kanya, hindi niya ginamit ang elevator dahil sa bawat hakbang paakyat ay tila ba lumalapit siya sa kung nasaan si Carl, na sa bawat tunog ng kanyang mga yabag ay nagbibigay ginhawa sa bigat na kanyang dinadala.

Narating niya ang makipot na bakal na pinto, pinihit niya ang hawakan at dahandahang binuksan, sinalubong siya ng kulay dalandan na sinag ng papalubog na araw, ni hindi siya kumurap ng tumama ito sa kanyang mata, mula sa di si kalayuan ay natanaw niya ang anino ni Nel na nakaupo sa swing sa may gazebo, nakayapos sa kanyang mga tuhod at nakatanaw sa papalubog na araw.

May mga ibong nagsisipagdapo sa patay na puno na tumatabing sa araw mula sa bintana ng cottage ni Carl, malungkot na napangiti si Andrew at mula sa kawalan ay tila ba narinig niya ang mga tinuran ni Carl “even death has it’s own beauty…that tree, though dead, adds beauty to the sunset, it adds beauty to every goodbyes.” Ngayon lang napagtanto ni Andrew na sa simula palang ay palihim ng ipinaparamdam sa kanya ni Carl ang kalagayan.

Pumasok siya sa cottage, tulad parin ito ng dati… sa bawat sulok nito ay buhay na buhay si Carl, mula sa nakabukas na bintana ay ang pakalat na sinag ng papalubog na araw dahil natatabingan ito ng mga ibon. Natigilan siya ng makita niya sa maliit na mesa sa tapat ng bintana ang isang urn, makinis ang kulay abong marmol na alam niyang naglalaman ng mga abo ni Carl, sa tabi nito ay isang papel na pinatungan isang halamang nasa maliit na paso. Kinuha niya ang papel at doon ay ang sulat kamay ni Nel

He wished to be here to watch the sunset upto the day of his burial.”

Napatanaw siya kay Nel sa labas, hindi parin ito nagbabago ng pwesto, patuloy lang ito na nakatitig sa kawalan, napakagandang pagmasdan ang pagtama ng sikat ng papalubog na araw sa kanyang katawan, halos anino lang niya ang nababanaag niya at ang paligid ng katawan nito ay tila nagiilaw dahil sa tama ng liwanag nito. Napadako muli ang mata niya sa papel na hawak at doon ay napansin niya ang marka ng putik mula sa mga kamay ng nagsulat, kamay ni Nel. Napadako ang mata niya sa maliit na halamang nakapatong sa sulat kanina, may bulaklak itong kulay puti, bagong tanim… basa ang lupa, at bigla siyang natigilan ng mapagtanto niyang iyon ang halaman ni Carl.

“Andrew, when the stone falls…it doesn’t mean that the flower will fall too.” naalala niya ang sinabi ni Nel , ngayon naintindihan niya kung bakit puro putik ang mga kamay nito.

Nanginginig ang mga kamay na hinawakan niya ang puting bulaklak ng halamang iyon, sumilay ang matipid na ngiti ng kanyang maalala ang pagaalaga ni Carl sa halamang ‘yon at ang birong usapang hindi niya nakakalimutan.

“This plant will bloom orange, or perhaps yellow…yes, I like it yellow.”
“Tangek! Adik ka talaga, puti at at violet lang ang kulay ng bulaklak ng halamang yan.”
“Hahaha..I know, but I want this one to bloom in pale yellow, that’s why I think this one is special”
“E ano naman ibig sabihin niyan sayo pag namulaklak nga yan ng dilaw?”
“Sus..tinatanong paba yon? Syempre it means…” tumingin ito sa kanya at ngumiti ng nakakloko “it means you are my Beautiful Andrew” sabay halakhak nito ng matutunog na tawa.
“Tarantado!” ngunit hindi niya din mapigilan ang matawa, “halika na nga, baka lamukin ka pa d’yan.”

…at ang kasunod na usapang kung saan una niyang nakitang naging seryoso ng ganon si Carl.

“Do you believe in miracles?”
“oo naman…bakit ikaw, naniniwala ka?”
“Oo…I do believe in miracles, everyday is a miracle, life is a miracle itself…even you, Beautiful Andrew…you’re a miracle.”
 “Have you found your miracle, Carl?”
“Probably…Have you seen my miracle?”
“You have miracles, huh? Ano yun aber?”
“That’s for you to find out, you’ll know it’s my miracle when you saw it…”

Napangiti si Andrew ng maalala ang kalokohang iyon, nakatitig siya sa mga puting talulot ng halaman.
“It’s white Carl, you lose… does that mean that I am not your Beautiful Andrew?” iginawi niya ang tingin sa marmol na urn, kinakausap si Carl. Wala ng luha sa kanyang mga mata dahil ramdam niya na buhay na buhay si Carl sa lugar na iyon, kahit papano ay naibsan ang lungkot na kanyang nararamdaman kahit alam niyang pansamantala lamang ito.
“You should have been here, para makita mo na hindi ito kailanman magiging kulay dilaw o orange…sabi ko sayo eh, puti ang kulay ng bulaklak nito…p-parang ikaw, hindi kana kailanman babalik”
Sa pagkabigkas sa mga salitang  iyon ay may kung anong bikig sa kanyang lalamunan ang namuo,
“Carl, If you’re here please give me some signs…tell me you’re happy now kung nasaan ka man ngayon, give me signs for me to let you go…” nangingilid na muli ang kanyang mga mata.

Mula sa bintana ay pumasok ang malamyos na ihip ng hangin at dumampi sa kanyang pisngi, napatanaw siya sa labas ng bintana kung saan ay biglang nagsiliparan ang mga ibon mula sa patay na puno, nakita niya si Nel na napalingon sa punong nasa likuran. Napakaganda ng tanawing iyon, nawala ang pagkakatabing ng mga ibon sa sinag ng papalubog na araw, bumaha ang liwanag nito sa kabuuan ng loob ng cottage.

Bumuntung hininga siya at ibinalik ang tingin kay ‘Carl’ at sa halaman…natutop niya ang bibig at namangha sa nakita. Tuluyang bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata, sa nanginginig na mga kamay ay binuhat at niyakap niya si ‘Carl’, at ang unang patak ng kanyang luha ay sinalo ng mga talutot ng bulaklak…na sa tama ng sinag ng papalubog na araw ay tumingkad ang kulay nitong… kulay dilaw.

“I’ve seen you’re miracle, Carl…I Love You and I will always be… your Beautiful Andrew.”


end

No comments:

Post a Comment