Wednesday, August 3, 2011

Wish Kiss Part 1 of 5




Wish Kiss
by glenmore bacarro



July 23, 2011

“Ming, ‘wag ka masyadong magtatagal ah, mam’ya luto na to, masisimulan na natin ang inuman!” sigaw ni Carol sa papalayong si Karl.

Lumingon at tumango lamang siya at nangingiting pinagmasdan ang pinsan habang abala sa pag-iihaw ng barbecue, sa tabi nito ay ang abalang katipan, si Raffy na nag-aayos ng mga tuyong kahoy para silaban mamaya kapag tuluyan ng dumilim. Papalapit dito sina Ed at Aki na may mga buhat buhat na mga tuyong driftwoods, nakabuntot si Judy na kasintahan ng huli na hirap na hirap sa hila hilang kawayan.

Nagkayayaan muli ang barkada pagkatapos ng mahaba habang hindi nila pagkikita, isa itong reunion at tulad ng dati nilang ginagawa, bonfire sa beach kung saan sila madalas nagpupunta noon. Ngayon nga lang kulang na sila.

Kulang na sila….

Napalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Ilang taon na nga ba mula ng huli siyang bumalik sa lugar na ito? Tumanaw siya sa malawak na karagatan at sinamyo ang hanging dumadampi sa kanyang mga pisngi.

…the beach, it brings back many memories, as fresh and as painful as it once were.

“Okay ka lang Ming?” mula sa likuran ay narinig niya ang boses ni Ed.

Lumingon siya dito at ginawaran niya ng isang mahinhing ngiti.

“O-Okay lang naman samin kung sa ibang beach tayo eh…s-sabihin mo lang” tumatantya at nangaarok ang mga salita nito.

“Okay lang ako Ed…it’s about time to move on” mapait ang kanyang pagkakangiti, “…at mas magiging okay ako kung Karl na muli ang itawag niyo sa akin” birong totoo niya.

Bumuntung hininga lamang si Ed na hindi pinansin ang huling sinabi niya, ipinako nito ang tingin sa papalubog ng araw sa kanluran.

Matagal bago nagsalita itong muli, “s’ya nga pala, this weekends invite ko kayo… may ipapakilala ako sa inyo.”

“Naks! Don’t tell me may girlfriend kana?” pabirong siniko niya ito at lihim na nagpasalamat at naiba ang usapan.

Napakamot sa ulong nangingiti si Ed, “Si Sheryll…hmmm ‘wag mo muna ipagsabi sa kanila, gusto kong sorpresahin ang lahat mam’ya.”

“Oo ba, congrats tol, sa wakes!” sabay suntok sa may tiyan nito.

“Aray! Masakit yun ah…” humahalakhak na sigaw ni Ed. Nakisabay si Karl at ipinagpasalamat niya na may mga kaibigan siyang nagbibigay pag asa at saya parin sa kanya.

“So pano, dun na muna ako at ng matulungan sila…alam mo naman yung pinsan mo.” umakto itong tila isang mabangis na tigre, “Grawl!!”

“Gago!” akmang aambahan niya ito ng suntok, kumaripas ng takbo ang huli.

Natawa siya ng mahina ng salubungin ng tumatakbong si Ed ang tinangay ng hanging takip ng Tupperware.

Tinanaw niya ang pinsan at mga kabarkada, nakikita niya ang lubos na kaligayahan ng mga ito sa muli nilang pagsamasama. Hindi niya mapigilan ang mapangiti kung papaanong sa ilang taong nagdaan ay tila wala ni isa sa kanila ang nabago.

Hinawi niya ang nagugulong buhok at naglakad sa dalampasigan papalayo. Masarap sa pakiramdam ang maligamgam na tubig dagat sa kanyang mga paa at ang samyo ng panggabing hangin galling sa silangan.

Alam niya kung saan ang kanyang destinasyon, ngunit walang pagmamadali sa kanyang mga hakbang. Dinadama ng bawat himaymay ng kanyang pagkatao ang lahat sa paligid.

Ang alingasngas ng mga alon na tila ba ay walang ipinagbago ang mga ritmikong gawa nito kumpara sa huling pagkakaalala niya niya rito. Ang huni ng mga ibong pandagat na animo’y walang kapaguran sa paglipad, ang pagbulong ng malamyos na hangin na tila ba tumatangay sa kanya pabalik sa nakaraan. Ang gintong sinag ng papalubog na araw na wari ba ay nangangako sa isang maligayang pagbabalik.

Isang maligayang pagbabalik…

Narrating niya ang lugar na hinahanap, naupo siya rito at dinama ng kanyang mga palad ang lumalamig ng buhangin.
Ang bughaw na langit ay tuluyan ng nillukob ng mala gintong kappa ng papalubog na araw. Nilamon na ng karagatan ang halos kalahati nito at sa banding hilaga ay naaaninag na ang bilog na buwan na tila handa ng ibigay ang liwanag nito sa lumulukob na dilim na iniiwan ng namamaalam na araw.

Dinig niya sa ‘di kalayuan ang malulutong na halakhak ng mga kaibigan, napangiti siya at humugot ng malalim na paghinga. Inilatag niya ang katawan sa buhanginan, nakatihaya siyang pilit na isinasara ang isipan sa mga nag-aalinsabayang alaala.

He pressed the play button of his phone on the music menu, and just as the voice engulfed the silence his mind spins back to where the memories still lies alive.

I’m finding my way back to sanity, again
Though I don’t really know what
I am gonna do when I get there
Take a breath and hold on tight
Spin around one more time
And gracefully fall back in the arms of grace

I am hanging on every word you say
And even if you don’t want to speak tonight
That’s alright, alright with me
‘Cause I want nothing more than to sit
Outside Heaven’s door and listen to you breathing
Is where I want to be

I am looking past the shadows
Of my mind into the truth and
I’m trying to identify
The voices in my head
God, which one’s you?
Let me feel one more time
What it feels like to feel
And break these calluses off me
One more time…..

Cause I am hanging on every word you say
And even if you don’t want to speak tonight
That’s alright, alright with me…

Ipinikit niya ang mga mata at tila tumahimik ang paligid, dama niya ang init ng minsan ding naging kanlungan niya. Pamilyar na pakiramdam na pilit bumabalik sa kanyang katauhan.

Iminulat niya ang mga mata, madilim na sa paligid at ang buwan ay nagsisimula ng ihasik ang hiram nitong liwanag.

Lumitaw at kumislap ang unang bituin at tulad parin ng dati, ito ang pinakamkislap.

How many years had passed since I looked up on that same star I am looking tonight?

Sinalamin ng kislap ng bituin na iyon ang dalawang butil ng luha na unti unting dumausdos sa kanyang mga pisngi.

‘Cause I want nothing more than to sit
Outside Heaven’s door and listen to you breathing
Is where I want to be…

Is where I want to be…

“I wish…” he whispered in a cracked voice.

...to be continued.

No comments:

Post a Comment