Wish Kiss
by glenmore bacarro
Part 4
Hindi naging madfali ang mga nagdaang araw at buwan sa buhay nina Karl at Eli. A roller coaster of emotions, napagalaman nilang negative si Karl at mula noon ay mas naging maingat si Eli. Maging ang halik ay ipinagkakait na nit okay Karl. I can’t afford to share this curse with you, Ming” paliwanag nito. Hirap man sa kalooban ay naiiintindihan ni Karl iyon, at hindi lamang sa halik naipapakita o naipaparamdam ang tunay na pagmamahal.
“Can you promise me one thing Ming” isang araw ay turan ni Eli, habang nakaratay sa hospital. Humina na ang katawan nito at madali ng kapitan sakit at impeksiyon.
“Do I have a choice?” nangingiting sagot niya, habang hinahaplos nito ang likod ng palad nito habang hawak hawak.
Humugot ito ng malalim na paghinga, “When I die, I want you to find someone new.”
Napatigil si Karl sa ginagawa, “I don’t want to lock you up on our memories… I don’t want you to live alone.”
Tahimik lamang si Karl dahil alam niyang kahit isang salita niya lang ay bibigay na siya.
“Ming,” mahinang wika ni eli, “You’ll find someone, ayt?” ngumiti ito, malalim at wala na ang dating kislap ng mga mata nito.
“H-how can you say that? Sino b-ba ang nagsasabi sayo na iiwan mo ako?” an obvious lie, dahil alam niyang maging siya ay hindi niya pinaniniwalaan ang mga sinabi.
“Ahaha…gaya nga ng sabi mo, Ming, you don’t have a choice.” Pagak na pagtawa nito “Just promise me…and youll know when you’ve got my blessings” matalinghagang pagpapatuloy nito.
“Will you stop it, Balong?!” nanlalaki ang mga matang napatitig siya kay Eli, “Ayoko nang makinig sa mga sasabihin mo.”
Sumilay lamang ang ngiti sa mga labi ni Eli, and he started humming their song, at times he heard him singing some lines.
‘Cause I am hanging on every word you say
And even if you don’t want to speak tonight
That’s alright, alright with me…
And even if you don’t want to speak tonight
That’s alright, alright with me…
Pinagmamasdan ni Karl si Eli, nangingilid ang mga luhang dinala niya ang kamay nito sa kanyang pisngi at dinama ang init nito, ginawaran niya ng mahinhing halik.
‘Cause I want nothing more than to sit
Outside your door and listen to you breathing…
He humm. Is where I want to be…
After a while he whispered again, “There’s more,” he paused, “Ming, promise me that you won’t be here with me when I breath my last. I don’t want you to see me die, I-I am afraid of goodbyes.”
“How could you say such things?!” gitlang sagot ni Karl, hindi siya makapaniwala sa kahilingan nito.
“And remember the first time we met?” ngumiti ito ng malamlam at animoy bumalik sa nakaraan, “I want you to remember me that way. Sitting beside you…inlove, happy…healthy. I want you to remember our kiss, the first time I reached through your soul. R-remember me that way, Ming. Remember the moment we were living in a dream…in a wishful night…in love.”
“S-Stop it, Balong!” nanginginig ang mga boses na pagtutol ni Karl.
“Just promise me…” mahinang pagsasawalang bahala nito sag alit niya. Pumikit siyang muli and again he humm their song hanggang sa gapiin na siya ng antok.
-----
Hindi naging madali para kay Karl ang lahat, sa bawat araw na lumilipas ay para bang unti unti ding namamatay ang kanyang puso. Napabayaan na niya maraming bagay, maging ang sarili ay hindi na niya naaasikaso.
Tanging ang mga kaibigan at pamilya niya at ni Eli ang siyang nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya upang hindi siya bumitiw.
Ilang lingo din siyang walang pahinga, pinauwi siya nila Carol at Raffy upang makabawi ng tulog at lakas. Umayaw man ay si Eli na mismo ang humiling na magpahinga naman siya.
Pangatlong araw na niyang hindi dumadalaw sa hospital, sinadya din nila Carol na hindi siya tinetext sa mga nangyayari, ngunit alam naman niyang ipapaalam sa kanya kung mayroon mang mangyayari na dapat niyang malaman.
Dalawang gabi ngunit tila napakatagal na ng wala si Eli sa tabi niya, dalawang gabing hindi rin nagagapi ng pagtulog ang mga sakit at agam agam niya sa kalagayan ng lalaking pinakamamahal.
Nakaupo siya sa veranda ng kanilang bahay at nakatanglaw sa mga bituin, ilang bote na rin ng beer ang nauubos niya ngunit sadyang hindi siya dinadalaw ng antok. Hindi rin niya mapigilan ang pagbalong ng mga luha sa tuwing inaaalala ang mga nakaraan nila ni Eli, the stars are the living witnesses of their love, the love that is on the edge of falling… tila sasabog ang puso sa damdaming kanina pa gusting lumabas.
“W-Why?” mahina at puno ng pait ang boses niya, “Ang d-dadaya niyo!” pagkuway pasigaw niyang turan habang nakatinagla sa langit at hilam ng luha ang mga mata, “Di-diba…d-dapat tinutupad niyo ang mga kahilingan? B-bakit ganon, Baket?..bakit niyo pa siya binigay sa akin kung kukunin niyo lang din naman!? Madaya k-kayo…” napahagulgol siyang sinapo ang mukha habang nakaluhod.
“H-Hihi-..ling a-ako…at p-pangako, huling kahilingan na lamang. I-ibalato niyo na siya sa akin, parang awa niyo na, k-kunin niyo na ang lahat…lahat lahat…w-wag lang siya, ‘wag lang si B-Balong.” Basa sa pawis at luha habang nakikiusap siya sa mga tala.
The stars just reflected their glow on his tears, na tila ba nakikidalamhati ang mga ito sa kanyang paghihirap.
Ipinikit niya ang mga mata, inusal ang dasal at ang hiling na kahit sa konting pag-asa na maaring ipagkaloob sa kanya ng mga bituin ay kanyang panghahawalan.
-----
Ayaw tumigil sa pag ring ang kanyang telepono, masakit pa ang ulong iminulat niya ang mga, alas tres palang ng madaling araw. Si carol, ang tumatawag.
“H-Hello Carol,” wala sa sarili ngunit kinakabahang sagot niya.
Sapat na ang mga narinig upang mapabalkikwas siya ng bangon, at ilang sandali lamang ay tinatakbo na niya ang pasilyo ng hospital.
Sinalubong siya ni Carol.
“Karl, I think you shouldn’t go inside his room, hindi mo magugustuhan ang makikita mo… he’s dying, Karl…and I think he can’t make it anymore. Pangatlong beses na niyang nag-arrest since yesterday, we didn’t call you because he didn’t want to” mahabang pagpapaliwanag nito, sa likod niya ay sina Aki at Raffy na inaalo ang umiiyak na sina Judy at ina ni Eli.
“What happened?” si Nel humahangos paparating.
Tila wala na siyang narinig ng bumukas ang pintuan ng ICU at iniluwa nito ang duktor.
“Mrs. Nolo, he’s stable for now…” narinig niyang wika nito, “Misis pwede ko ho ba kayo makausap ng sarilinan?”
Tila pinipiga ang puso ni Karl habang hindi siya natitinag sa kinatatayuan, sapat na ang mga nakitang paghagulgol ng ina ni Eli at ang narinig mula sa duktor upang maintindihana niyang panahon na para pakawalan si Eli.
“DNR” tatlong letrang tila pumipigil sa pagtibok ng kanyang puso.
Gusto niyang sumigaw at sisihin ang Diyos sa nangyayari ngunit walang boses na lumalabas sa may bikig niyang lalamunan. Hindi parin kayang tanggapin ng kanyang puso ang katotohanan.
Inihakbang niya ang mga paa papalayo, sari saring emosyon ang nagaalinsabay na kanyang nadarama. Walang luha sa kanyang mga mata, tanging mapait na ngiti lamang ng ‘di pagtanggap ang namumutawi sa kanyang mga labi.
Ilang oras din ang nakalipas bago siya naglakas ng loob na bumalik sa loob ng hospital. Mabibigat ang mga hakbang na nilalakbay niya ang pasilyo na wari ba sa bawat hakbang niya papalapit sa ICU sy unti unti ring nawawala ang kanyang lakas.
Sa labas ng ICU ay ang mga kamaganak ni Eli at kanyang mga kaibigan na inaalo ang isa’t isa.
Sinalubong siya ni Carol, “Nel’s inside…a-after him, it’s your turn” lihim siyang nainggit ditto kung saan siya humuhugot ng lakas ng loob.
Gustong dayain ni Karl ang mga narinig, hindi niya sukat akalain na sa ganitong uri ng pamamaalam ang kanyang kahaharapin.
Tila robot na pinihit niya ang doorknob, hungkang ang kanyang pakiramdam, hindi pa man ay ramdam na niya ang puwang sa kanyang puso.
Nilingon siya ni Nel, pinahid nito ang mga luha at ngumiti sa nakatayong tila tuod na si Karl.
Tumango siya bilang sagot sa ,alungkot na ngiti nito, nilapitan siya nito at dagling niyakap.
“Ming, it’s time to let go…alam kong, i-ikaw na lang ang hinihintay niya.”
Lumunok siya sa kawalan ng masasabi at umiikot niyang mundo ay narinig niyang muli ang mga salita ni Eli, “Ming, promise me that you won’t be here when I breath my last…I am afraid of goodbyes.”
Naputol ang kanyang pagbabalik tanaw ng marinig niya ang sunud sunod na pagtunog ng respirator. Ramdam ng bawat tibok ng kanilang mga puso ang bawat isa, na tila ba iyon na ang huli. Rumehistro ang pag-aalala sa mukha ni Nel at tinakbo pabalik ang kama ni Eli.
Namumutlang nanigas ang mga pang napako si Karl sa kinatatyuan, sa utak niya ang pabalik balik na salita ni Eli at ng duktor, “DNR”
Nagkakagulo sa loob ng kwarto, pumasok ang kanyang mga kaibigan at pamilya ni Eli. Tila isang panaginip na malabo ang pagkakarehistro ng lahat sa kanyang utak, nakatayo siya sa dilim at tanging ang mga tibok ng puso lamang ang kanyang naririnig na papalayo ng papalyo sa kanya.
“Ming! Ming…!” yugyog ni Nel sa kanya. Natauhang bumalik sa realidad si Karl, inilinga niya ang tingin sa kama kung nasaan si Eli, wala na ng tunog at dagling nakabawi ito, dahil muli naging regular ang paghinga.
“Ming! The hell with what he said!” sigaw ni Nel, maliban kay Carol ay ito ang nakakaalam sa kahilingan ni Eli na dapat ay wala siya sa araw ng kamatayan nito. “..the hell with what he said! H-He needs you, he’s waiting for you!” hilam ng luhang bulyaw nito sa tila nananaginip na si karl. “you know what he really want? What he wished that night? Damn, karl! He wished that you’ll never leave him until his dying day!” desperadang pagtatapat nito.
Tila nailipad ang kanyang isipan sa gabing iyon.
“What’s your wish?”
“I wish you’ll get well…para matagal pa tayong magsasama”
“Ikaw ano hiniling mo?”
“Wag mo nang alamin… it won’t come true anyway”
Tila isang sampal sa kanya ang lahat.
“Ming promise me that you won’t be here when…” a lie, he lied.
-----
Tahimik at payapa ang paghinga ni Eli, hawak niya ang kamay nito. Ilang minuto siyang nakatitig rito at pilit tinitikis ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata.
His fingers filled the spaces between his’, the warmth radiating from him gives life to his marble cold hands, so stiff, lifeless.
Lumunok siya ng ilang ulit at sa garalgal na boses ay sinambit niya ang mga salitang minsang sinabi nito sa kanya.
“B-balong…If you get there before I do,
Don’t give up on me…
I’ll meet you there when my chores are through,
I-I just don’t know how long I’ll be.
A tear fell, I won’t gonna let you down,
Balong wait and see,
Coz between now and end
U-untill I-I see you again
I’ll be loving you…
“It’s time to go, Balong…m-magpahinga ka na.”
He shut his eyes tight, the pain is just so real.
I want nothing more than to sit
Outside Heaven’s door and listen to you breathing
Is where I want to be
Outside Heaven’s door and listen to you breathing
Is where I want to be
“Until I see you again…” bulong niya at yumuko siya upang gawaran ito ng halik na ipinagkait na niya rito ng matagal na panahon.
A sweet passionate kiss, “I Love You…” he whispered. His tears fell on his cheeks as he painlessly breathed his last.
to be continued...
No comments:
Post a Comment