Wish Kiss
by glenmore bacarro
Part 3
Naging masaya ang mga araw at bwan na nagdaan, lagi nang kasakasama si eli sa lakaran ng barkada. Lumipas din ang halos tatlong lingo bago nila naipagtapat ang kanilang relasyon, na tinanggap naman ng lahat, lalo na ng kanyang pinsan na si Carol.
At sa pagdating ni Eli sa buhay ni Karl ay tila bang nabuhay siyang muli, bagong siya na puno ng pag asa at pagmamahal. Bagong Karl… si Ming.
“Ming, need to see you there… I’ll b der b4 4pm, love you always –Balong”
Text message ni Eli ng araw na iyon. Nangingiting naglalakad siya sa dalampasigan patungo sa kanilang tagpuan. Nakagawian na nilang maglakad lakad sa dalampasigan kapag papalubog ang araw at tumambay sa lugar kung saan sila unang nagtagpo at kung saan nabuo ang kanilang pagmamahalan.
Alas kwatro na at nakaupo siya sa pugad nila, sinipat niya ang telepono at may nakitang isang mensahe, napangiti siya ng makitang si Eli iyon.
“If you get there before I do,
Don’t give up on me.
I’ll meet you when my chores are through
I don’t know how long I’ll be.
But I’m not gonna let you down
Darling wait and see
‘coz between now and end
‘till I see you again
I’ll be loving you. Love, Me :>))”
Bahagya siyang natawa sa istilo ng mensahe nito, Kanta ba to? Tanong niya sa sarili.
Naalala niya ang minsang pagkanta nito ng gabing iyon, kinikilig na ibinulsa niya ang telepono at tumayo siya at tinungo ang dalampasigan.
“I love you too, Balong…between now and end, forever…always” bulong niya sa hangin habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.
Pumulot siya ng isang patpat na naianod sa kanyang paanan na dinala ng alon, gamit ito ay nagsulat siya sa buhangin.
Karl Ming
Eli Marc ‘Balong’ Nolo
Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang sinulat, dinagdagan niya ito ng ‘forever’ at napalatak siya, “Cheezy!!!” pambabatok niya sa sarili.
Bumagsak ang isang malaking alon at dumausdos ang tubig alat sa kanyang mga paa hanggang sa mga pangalang sinulat niya.
Nabura ang pangalan ni Eli, napalis ang ngiti sa kanyang mga labi ng may kung anong kaba siyang naramdaman.
Naghintay siya ngunit walang Eli na dumating.
-----
“Bakit hindi ka dumating?” bungad kaagad ni Karl ng pagbuksan siya ni Eli ng pinto.
“Why are you here?” sa halip ay balik tanong ni Eli.
Natigilan siya sa narinig, “Balong, m-may problema ba tayo?” tanong niya ng mapagmasdang tila wala sa sarili ang katipan at lango ito sa alak. Mapula at mugto rin ang mga mata nito.
“I think you’d better go” pagpapalyas ni Eli.
“No! not unless you’re going to tell me wht’s wrong?”
“W-walang problema Karl, I just need to be alone.”
“S-since when you started calling me with my real name?” nanggigilalas na tanong ni Karl, may kung anong kirot sa kanyang puso ng marinig niya ito.
“I think we better stop this Karl, we cant go on anymore’ hirap na hirap na sagot ni Eli, sa kanyang mga mata ay ang pagbalong ng mga luha.
“I-I don’t believe you,” tila pinipioga ang pusong pagtatatwa niya sa mga anrinig, nahulog na ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. “Tell me you didn’t mean it, you’re lying ayt, Balong?”
“No Karl, hindi na dapat natin ipagpatuloy ‘to’ hilam sa luhang bulong nito.
“H-hindi…’ isang hakbang at niyapos niya si eli at siniil ng halik, madiin, marahas.
Hinugot ni eli ang buong lakas bago pa man gapiin ng sariling damdamin, itinulak niya si Karl at napapikit na umatras.
Nagitla si karl sa lakas ng pagkakatulak ni Eli.
“B-balong…?” puno iyon ng hinanakit. Nanlulumong tumalikod siya at tinungo ang pinto papalbas, nilisan niya ang humahagulgol na si Eli.
-----
“Don’t worry Ming, he’ll be here” ang kanyang pinsan, “Aki told me na pupunta siya.”
Hindi siya umimik, nanatili siya sang nakaupo sa buhanginan at nakatanaw sa papalubog ng araw. Ilang minuto din siyang sinamahan ni Carol, walang imikan at nagpapakiramdaman lamang.
Mag iisang bwan na mula ng maghiwalay sila ni Eli. Isang bwan na hindi niya ito nakikita o nakakausap man lang, naputol ang komunikasyon nila mula ng gabing iyon.
“Carol! Tawag ka ni Raffy” si Nel habang papalapit sa kanila.
Tumayo ang pinsan at marahan siyang tinapik sa balikat, naupo si Nel sa tabi niya at iniabot ditto an gang isang bote ng beer.
“Ag ganda ng sunset ano?” turan nito pagkalipas ng ilang sandali, “It always promised a better tomorrow…” pagpapatuloy nito. “That’s why I love sunsets better than sunrises, hindi lang dahil mas maganda siya, but because it always makes me feel the hope it projects. It promised, in a most beautiful way that when its gone, after the dark, it’ll come back.” Tila may kung anong inaalala si Nel habang binibigkas iyon.
Napalingon siya sa kaibigan, hindi niya naisip ang mga bagay na iyon. Lagi lang niyang ninanamnam ang kagandahan ng papalubog na araw and he looks forward for it to be engulfed by the sea, coz when it did, stars will shine.
Stars…
Napatigil siya sa pag iisip, “Balong…” bulong niya.
Napatingin lang sa kanya ang hindi na niya pinapansing kaibigan, naramdaman na lamang niya ang mahinang pagtapik at pagpisil nito sa balikat niya.
“Magiging okay din ang lahat” anito at tumayo.
Ilang saglit lang pagkaalis ni Nel ay naramdaman niyang may nakatayo sa tabi niya.
“You’re playing our song,” Si Eli, pansin nito sa pinapatugtog niyang kanta sa kanyang cellphone.
Napatingala siya ditto, dagli siyang nagulat ng mapagmasdan ang lalaking minamahal. Humpak ang mga pisngi nito at malaki ang inilaglag ng kanyang katawan.
“Ming, care to walk with me?”
Tila nawala lahat ng galit niya ditto, tumayo siya at inabot ang nakalahad nitong mga kamay. Magkahawak kamay na naglakad sila sa dalampasigan patungo sa paborito nilang lugar.
His fingers filled the spaces between his, the warmth radiating from his palm is enough comfort for his wounded heart.
“I’m sorry about what happened…”
“I’ts okay, alam ko naman na hindi mo sinasadya ‘yon” nagulat siya sa sarili dahil sa bilis nitong magpatawad, marahil ay dahil alam niya sa kanyang puso na mahal siya nito.
Tahimik silang muli hanggang marating nila ang kanilang pugad, naupo silang magkatabi at ginagap muli ni Eli ang kanyang mga kamay at hinagkan ang likod ng palad nito.
“Ang ganda ng sunset ano?” si Eli.
Napangiti siya sa narinig dahil pangalawang beses na niyang narinig ang tanong na iyon.
“The most beautiful goodbye… but it promises a better tomorrow” ulit niya sa mga salita ni Nel bilang kasagutan ditto.
Natahimik si Eli at pinagmasdan lamang ang malapit ng lamunin ng dagat na araw.
“Are yo afraid of goodbyes, Ming?” seryosong tanong nito, hindi niya parin inaalis ang tingin sa papalubog na araw.
Napatingin siya ditto, His beauty was outlined by the glow of the sun. Napalunok siya at nakaramdam ng kaba, tuluyan na bang makikipaghiwalay sa kanya si Eli?
“B-because…I, I a-am…” pagpapatuloy ni Eli sa garalgal na boses.
Lumingon siya kay Karl at nakita ng huli ang paghihirap ng kalooban nito.
Teary eyed, he held his gaze and with softest yet cracked voice he said, “Ming I have AIDS.”
Diretcho ang pagkakasabi niya rito, tila isang bomba sa pandinig ni Karl, namutla siya at ayaw tanggapin ng kanyang isipan ang mga narinig. Sa huling liwanag na nagmumula sa araw na tumuyan ng nagtago sa kabilang dako ng karagatan, ay nakita niya kung papaanong naghihirap ang kalooban ni Eli.
“B-Balong…’wag kang magbibiro,” pautal n’yang wika, umaasa siyang dinadaya lamang siya ng pandinig.
Napapikit si Eli, “Sana nga biro lang ang lahat,” pinunasan nito ang mga luhang pilit niyang pinipigilan sa pagpatak.
Sapat na ang mga narinig at nakita niya upang tuluyanng bumigay ang damdamin ni Karl. Niyakap niya si Eli, buong higpit na tila bas a yakap na iyon ay magigising sila sa isang napakasamang panaginip.
Yumugyog ang mga balikat at impit ang naging pagtangis ni Eli, dama ni Karl ang takot para sa kanya…para sa kanila.
Matagal silang magkayakap at tanging mga hikbi lamang ang naririnig. Madilim na ang paligid at sa kalangitan ay saksi ang buwan at mga bituin sa isang nagugupong pangarap na minsan din ay binuo sa ilalim ng mga ito.
Nang mahimasmasan ay nahiga ang dalawa sa buhanginan. Parang kalian lang, at the same spot they were very happy gazing up to heaven, weaving their dreams…their future together. Eli lying on his arms whiles his’ wrapped around his body, daman g bawat isa ang pintig ng kanilang mga puso.
Napapikit si Karl sa alaalang iyon, ginawaran niya ng halik ang ulo ni Eli na nakaunan sa kanyang braso.
“That was when you decided to break up with me, ayt?” tanong ni Karl, nakagaan sa kanilang mga pakiramdam ang ilang minutong pagbuhos ng emosyon.
Naramdaman niya ang pagtango ni Eli bilang kasagutan.
“Why did you do that? Akala ko ba walang lihiman, and alam mo na kahit anong mangyari hindi kita iiwan” tila wala sa sariling litanya niya.
“I want you to have a check up as soon as possible” sa halip ay sagot ni Eli.
“Yeah…I know and I’m ready sa kahit anong resulta” hindi alam ni Karl kung saan nanggagaling ang lakas ng kanyang loob na sa kabila ng kaisipang maaaring nahawa siya ay handa siyang suuingin ang hinaharap, hanggat kasama niya si Eli…ang kanyang si Balong.
“I know you didn’t have it, I can feel it… and hindi pa man, I thank God” seryoso si Eli sa pagkakasabi nito.
Hindi siya sumagot sa halip ay pinisil niya ang balikat nito at hinagkan ang buhok.
“A shooting star!” sigaw ni Eli, at tulad ng dati, tila nawala ang lahat ng dinadamdam nito at naupo upang humiling.
Bumangon din siya at inusal ang kanyang hiling, nilingon niya si Eli na taimtim parin sa pagusal sa kanyang hiling. Napangiti siya, tulad parin ng dati ang kanyang lalaking pinakamamahal, tila isang bata na habang inuusal ang kanyang hiling.
“Shooting stars always make you happy, Balong,” a statement not a question, lumingon ito sa kanya at tila ba nanumbalik ang kislap sa mga mata nito.
Lumunok siya upang tanggalin ang namumuong bikig sa kanyang lalamunan, na kung hindi niya gagawin iyon ay alam niyang hahagulgol siyanmg muli. Kailangan niyang maging malakas para kay Eli, para sa kanila.
Si Eli na siyang lakas niya, si Eli na mapagbiro at makulit, si Eli na animo’y bata, si Eli na mahal niya higit kaninuman, si Eli…si Balong na mawawal-
Napatigil siya, hindi niya lubos maisip na mawawala sa kanya si Eli. Why it have to be you, Balong? Tanong niya sa sarili.
“What’s your wish?” the question is nostalgic.
Tinitigan niya si Eli at buong pagmamahal na hinagkan sa labi. Alam niyang hindi nakakahawa ang halik, ngunit kung magkaganoon ma’y wala siyang pakialam, sinusunod lamang niya ang dikta ng puso at isipan.
“I wish you’ll get well. Sana gumaling ka para magsasama pa tayo ng matagal…” bulong niya ng putulin niya ang halik, “And I wish panaginip lang ang lahat ng ito, na bukas paggising natin… w-wala ka ng sakit.” Garalgal na ang kanyang boses dsa huling mga salitang tinuran.
Eli smiled bitterly, “Oh…thant’s not counted! It should be for yourself, h-hindi para sa ‘kin. That’s the idea of wishing, ayt Ming?” pilit pinapagaan nito ang nararamdaman ni Karl.
Tumikhim siya upang tanggalin ang bikig sa kanyang lalamunan at ngumiti kay Eli, a smile that did not reach his eyes, “Balong, I’ve got mine granted already. I kissed you.”
“Ahaha…Okay. Hmmm you’ll better watch out for more shooting stars, because starting tonight I won’t give my kisses for free anymore” pagbibiro nito ngunit may himig katotohanan.
“Ikaw ano hiniling mo?”
Napalis ang ngiti sa mga labi ni Eli at sumeryoso ito.
“Huwag mo nang alamin…it won’t come true anyway” nababanaag ang lungkot sa boses nito.
“Matutupad ‘yon, diba malakas ka kay Pareng Lord?” mga salitang parang kalian lang ay siyang binibigkas nila.
“I doubt…” ngumiti ito, and his hand filled his’.
No comments:
Post a Comment