Monday, July 25, 2011

Beautiful Andrew Part IV of V


Beautiful Andrew
by glenmore bacarro

Chapter  8

“Carl and I are lovers.” Tila bombang sumabog sa kanyang pandinig, ayaw tanggapin ng kanyang utak ang katotohanang nahuhumiyaw sa kanyang harapan. Kaya pala, ang mga halik nila, mga yakap na ang buong akala niya ay yakap kapatid o halik kaibigan…kaya pala lagi silang magkasama…kaya pala…tila mga kutsilyong paulit ulit na tumutusak sa kanyang puso sa bawat kaisipang iyon.

“Carl and I are lovers, before even we met you.” Ulit ni Nel, matigas at walang emosyon ang kanyang boses. “we’ve been lovers for years, and we l-love..e-each other.”

Tila nabibingi si Andrew sa katotohanan, naguunahan ng bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata.

“L-lovers?...a-ahhh, i-is it t-true…C-carl? Tumingin siya ditto, nagsusumamo na sabihin s akanya na kasinungalingan lang ang lahat, na nagkakamali lamang si Nel, ngunit imbes na pagtanggi ay pagtango ang naisagot ni Carl.

Parang sumabog ang buo niyang pagkatao, hindi niya maipaliwanag ang sakit.

“You’re lying…” pagtatanggi niya sa katotohanang narinig “I know you’re lying Carl, you love me diba? Ako ang mahal mo…a-at papanong nagging kayo, di bat magkaibigan lang kayo?” palipat lipat ang tingin niya sa dalawa, nagsusumamo umaasang nagbibiro lamang ang mga ito.

“I-Im sorry Andrew, nagsasabi ako ng totoo… ang relasyon naming ang dahilan kung bakit sa simula palang ay hindi mu sya dapat mahalin” paliwanag ni Nel.

Hinuli niya ang mga mata ni Carl, napapikit ito ng magtama ang kanilang mga mata kasabay ng pagdaloy ng luha nito, puno ng paghihirap ang mga matang iyon at hindi makayanang tingnan ang mga nanguusig na mata ni Andrew.

Hindi na mapigilan ni Andrew ang pagdaloy ng mga sariling luha, kahit anong pagpipigil ay kusang sumungaw ang mga ito.

“Why Carl? Bakit mo ako pinaglaruan, bakit mo ako pinaasa?” hindi nawawala ang pait sa kanyang boses.

“S-sinabi ko na sa simula palang d-diba? Andrew you can’t love me, b-because I…I c-can’t love you the way you want me too.”

Tila isang malakas na samapal ang naramdaman ni Andrew sa mga salitang iyon ni Carl, “I can’t love you the way you want me too” sandali siyang napamaang, at bago niya nilisan ang kwartong iyon ay tiningnan niya si Carl na puno ng hinanakit, tila sumpang nanguusig sa kaibuturan ng kanyang kunsensya.

Pumasok siya sa kwartong dati ay kanyang inookupa, alam niyang walang pasyente doon ng mga sandaling iyon. Gusto niyang maramdaman ang tila’y protektang naibibigay ng kwartong halos inari na niya, dito niya nararamdaman na kanya ang mundo at ditto niya mailalabas ang lahat ng sama ng loob.

Hilam ng mga luha ay napasubsob siya sa kama, hindi niya aakalain na tatraidurin siya nina Nel at Carl. Sila na itinuring niyang mga kaibigan, pinagkatiwalaan…si Nel, kaya pala mabait ito sa kanya dahil alam niya ang panlalarong ginagawa sa kanya ni Carl…si Carl, ramdam niya ang kirot sa kanyang puso maisip lang niya ang pangalan nito, si Carl na minahal niya, si carl na nagging dahilan upang lumalaban siya, siya na tanging lakas niya…bakit siya nito niloko, ano ang nagawa niyang kasalanan?

Impit ang pagiyak niya kahit gustuhin na niyang sumigaw at magwala.

“Is there anything I can do to lessen your grief?” mula sa likuran niya ay dinig niya ang isang boses, noon lamang niya napagtanto na hindi siya nagiisa sa kwartong iyon, inilinga niya ang paningin at laking gulat niya ng mapansing may mga gamit na hindi pagaari ng hospital sa paligid, may tao palang umookupa sa kwartong iyon.

“S-sorry…” aniyang humarap sa may ari ng boses at walang pakialam kung anuman ang itsura niya.

Tumayo siya at papaalis na sana ng hinawakan ng lalaki ang kanyang braso, napatingin siya ditto.

“I can listen if yu want to talk.” mahinhin ang boses nito, maamo at ramdam niya ang kabaitan ng puso nito.

Sa simpleng pagpapakita ng lalaki sa kanya ng pagpapahalaga ay sapat ng dahilan upang muli ay bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata.

Inakay siya nito pabalik sa kama at pinaupo, hinaplos haplos nito ang likod niya at nagpatianod na siya sa kabutihan ng lalaking ito. impit ang mga hikbi na ipinagpatuloy niya ang pagiyak, inaalalayan lang siya ng lalaki at lumipas pa ilang saglit ay halos niyayakap na niya ito dahil sa hindi parin siya tumitigil sa pagtangis.

Nakakagaan ng loob ang mga haplos at yakap na nito, ng mahimasmasan ay tumingala ito at natitigan. Maamo ang mukha ng lalaki, isang mukhang madaling mapagkakatiwalaan, mula sa bandang kanan ng kanyang noo ay may nakadikit na plaster at ang bakas ng dugo mula rito, doon niya napagtanto na maging ang isang braso nito ay naka cast at may mga ibang galos pa ito sa ibang bahagi ng kanyang leeg at braso. Iginawi niya ang tingin sa mga mata nito, kumabog ang kanyang puso dahil nakatitig sa kanya ang mga matang kawangis ng mga mata ni Carl, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay inilapat niya ang kanyang mga labi sa mga labi nito, “Carl…” anas niya, sabay ang pagdampi ng kanyang mga labi sa labi ng lalaki. Masuyo ang halik na kanyang iginawad, pumikit siya at ang puso na niya mismo ang siyang bumihag sa kanyang kahibangan, alam ng utak niya na hindi si Carl iyon ngunit nagpupumilit an gang kanyang puso upang mapawi ang uhaw na kanyang nararamdaman.

Hindi gumalaw ang lalaki, hindi rin ito umiwas, nagparaya lamang siya ngunit hindi siya gumawa ng kahit na anong hakbang upang pagsamantalahan ang kahinaan ni Andrew.

Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Andrew, bigla siyang lumayo at naipinta sa kanyang mga mga mata ang pagsisisi sa kapangahasang ginawa.

“It’s okay, naiintidihan ko.” ngumiti ang lalaki “…I am not Carl, and I can’t give you what you want.”

“I-I w-want not-thing,” pautal niyang sagot. “I’m sorry, I thought you for someone else.”

Ngumiti ang lalaki, at naramdaman niya ang sinseridad nito.


Sa corridor mula sa kwartong iyon ay nanlulumong naglalakad palayo si Carl, hilam ng mga luha ang mata sa panibagong sakit na kanyang nasaksihan. Sino ang lalaking iyon, halos magunaw ang kanyang mundo ng makita niyang naglapat ang kanilang mga labi, hindi na niya hinitay na makita pa siya, at ayaw niyang masaksihan ang maaaring mangyari sa pagitan ng dalawa. Isa lang siguradi siya, tagos sa puso ang sakit nanaramdaman niya ng makita niya si Andrew sa piling ng iba.

Mula sa dulo ng corridor ay nadoon si Nel, nakatayo at hinihintay siya. Nababanaag sa kanyang mga mata pagkalito at pagkaawa. Sumabay siya sa lulugo lugong si Carl, alam niyang may luha sa mga mata nito dahil umiiwas ito ng tingin, ng pumasok sil sa elevator ay hinawakan ni Nel ang kanang kamay niya at masuyong pinisil,yumugyog ang mga balikat ni Carl at dinig ang mga impit niyang hikbi.


Chapter 9

Mula ng gabing iyon ay hindi na nakita ni Andrew si Carl, paminsan minsan ay nagkakasalubong sila ni Nel ngunit gumagawa siya ng paraan upang maiwasan ito.

Nawala ang dating pagkakaibigang naguugnay sa kanilang dalawa, nakakaramdam parin siya ng sakit sa tuwing nakikita niya si Nel at ang hindi maiwasang pagka sabik niya kay Carl. Natapos na ang Christmas at New Year, at halos mangangalahati na ang bwan ay wala siyang nagging balita kay Carl.

Si Ali ang kanyang naging laging kasama, sa konting panahon ng pagkakilala mula ng gabing iyon sa kanyang kwarto ay naging matalik silang magkaibigan, gayung hindi na kinailangan ni Ali na magtagal sa hospital ay lagi parin niyang sinasamahan si Andrew sa mga pagbisita niya, napagdesisyunan niya na ipagpatuloy ang pagpapaopera, kahit pa nawalan na siya ng dahilan para mabuhay. Napangiti siya sa kaisipang iyon, kung minsan ay tinatanong niya ang sarili kung aatras kaya siya ay magpapakitang muli si Carl? Ilang araw na lamang ay ooperahan na siya.

“Namimiss mu siya ano?” tukso ni Ali, tulad niya ay may pagkamahinhin din si Ali, at halos pareho sila ng lahat ng gusto, at ang lubos niyang ipinagpasalamat ay ng malaman niyang mas malambot pa pala ito sa kanya at hindi siya nito type, dahil kung nagkataon dahil sa mga matang yon ay baka maipagkanulo pa siya ng sariling init sa katawan.

“Alam mu namang, ikaw ang constant reminder niya…” na ang tinutukoy niya ay ang malaking pagkakahawig nila ni Carl ng mata “kung minsan pinagsisisihan kong nagging kaibigan pa kita, kung bakit ba naman sa dinami dami ng kwartong papasukin ko eh doon pa ako nation.” Pmbibiro niya sa kaibigan.

“Ahahaha…kung alam ko lang muntik mu na akong ginahasa ng gabing iyon.”

“Tarantado!” nahawa siya sa halakhak nito.

Sumeryoso bigla si Ali ngunit may mga ngiti parin sa labi “At least ngayon nakakatawa ka na.” aniya.

Napangiti siya pero bumakas parin sa kanyang mukha ang pangungulila.

“I miss him so much” bulong niya. Ilang beses na ba siyang umakyat sa rooftop ng hospital at nagbabakasakaling nandoon si Carl ngunit lagi siyang bigo hanggang sa tuluyan na siyang hindi pumupunta sa lugar na iyon dahil sa mga alaalang pilit niyang kinakalimutan.


Bukas makalawa na ang operasyon ni Andrew, bumisita siya sa hospital para sa mga final instruction ni Dr. Santos, at habang hinihintay ang doctor ay naisipan niyang magmeryenda sa cafeteria.

“Ali told me na umatras ka sa operasyon.” Boses ni Nel, napahinto siya sa pagnguya at hinarap ang nurse.

“Why are you doing this Andrew? Akala ko ba handa kana sa lahat, bakit bigla kang umatras?” pigil ang galit sa boses ni Nel.

Naguguluhang napatitig lamang si Andrew, alam niyang hindi under ni Dr. Santos si Nel pero imposibleng hindi nito alam na tuloy ang operasyon.

“Ali went hear yesterday, sinabi niyang pupunta ka ditto ngayon to call the operation off.”

Si Ali, ngayon ay naintindihan na niya, si Ali ang may pakana. Hindi siya nakapagsalita agad dahil kailangan niyang nguyain at lunikin muna ang punung puno niyang bigbig.

“Kung mahal mo s-sya, sundin mo kung ano ang gusto niya. Gusto ni Carl ang gumaling ka Andrew, gawin mo ang lahat para mabuhay ka…kung mahal mo siya, gawin mo ‘to” seryoso at nangingilid ng luhang turan ni Nel “a-at p-pagkatapos nito, handa akong m..m-magparaya” bumuntung hininga ito at pinunasan agad nito ang luhang papatak na sa kanyang kaliwang mata.

Napamaang si Andrew at hindi nakasagot, hindi niya nahanap angboses para klaruhin ditto ang maling akala. Haloi na niya marinig si Nel dahil sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

“Handa akong magparaya Andrew, just live…stay alive, that’s what he wants.” Humakbang na palayo si Nel. Naiwang nakatulala si Andrew, nawalan na rin siya ng lakas upang habulin pa ito.


“I want you to live and see my miracle…” pumasok sa isip niya ang minsang tinuran ni Carl.

“be like those birds, they fly, they sing and they can make that tree spring to life again, every after goodbyes, every after sunset.”

May kung anong bikig sa kanyang lalamunan ng maalala niya ang mga salitang iyon ni Carl, napapikit siya upang hindi sumungaw ang mga luha sa kanyang mata, si Carl, siya lamang ang tanging laman ng kanyang puso, ang kanyang iniibig.


Chapter 10

Succesful ang operasyon, ngunit kinailangan parin ni Andrew ang mag undergoe ng chemo therapy. Ilang bwan din siyang pabalik balik sa hospital para sa kanyang check up. Alam niyang nakabantay lang sa kanya lagi si Nel kahit hindi parin sila naguusap bukod na lamang kung kinakailangan para sa kanyang gamutan, at bukod sa nalaman niya kay Nel na nagbasyon si Carl ay hindi niya parin ito nakikita mula noon. Napapansin din niya ang tila laging pagkawal ni Nel sa sarili, pumapayat din ito at halatang laging puyat, hindi na ito ang dating Nel na kilala niya para itong may sakit o may iniindang karamdaman dahil sa mga pagbabagong nakikita niya ditto, ngunit alam niya anghirap ng trabaho nito pinagsawalang bahala na lamang niya ang mga bagay na iyon.

Si Carl, sa tuwing naaalala siya ni Andrew ay hindi niya parin maiwaasan ang hindi mangiti, napatawad na niya ito, alam niyang mahal din siya nito. Siya ang dahilan kung bakit lumalaban siya sa karamdaman niya, umaasa siyang kasabay ng kanyang paggaling ay ang pagbabalik nito sa kanyang piling. Si Nel lang ang tanging tulay upang Makita niya si Carl, ngunit ayon dito hindi pa ito handa upang harapin siya.

“Congratulations Mr. Tabuso, you are now cancer free” tila musiko sa tenga ang tinurang iyon ni Dr. Santos, nakangiti ito at bakas sa kanyang mga mukha ang saya.
Sa sobrang tuwa ay niyakap niya ang doctor ng mahigpit at hindi niya mapigilan ang maluha.

“Thank you doc, I owe you my life.”
“It’s my job, and you paid me for it” pagbibiro ng doctor,sabay na natwa sina Andrew at Ali.

Parang nasa alapaap ang kanyang nararamdaman, ngunit may kung anong kulang parin at nanatiling may bakas ng lungkot sa kanyang puso, si Carl. Pinuntahan niya si Nel agad agad ng malaman niya ang balita ng doctor ngunit hindi niya ito naabutan sa staion nila, ayon sa mga kasamahan ay pangatlong araw na daw nitong absent. Nagalala siya ngunit nawala din ito ng sinabi ng isang nurse na bukas ay baka papasok daw ito dahil may aasikasuhin ayon na rin rito ng makausap niya sa telepono.

Magaan ang loob na nilisan ni Andrew ang hospital, bukas babalik siya upang harapin na ang kanyang pangarap. Alam niya hindi sumisira sa usapan si Nel “magpaparaya ako…” tila ay narinig niyang muli ang tinig ni Nel, bukod dito ay ramdam niya na siya ang mahal ni Carl at gagawin niya ang lahat makuha lamang itong muli. Kay Carl lamang sya tunay na liligaya, isa pa sya lamang kanyang Beautiful Andrew.

to be continued...

No comments:

Post a Comment