Endorsed to Love
by glenmore bacarro
Part 4
Mag aalas nuebe na ng gabi ng lisanin niya ang kwarto ni Rob, hanggang alas sais lang duty niya araw araw, pero simula ng simulan nila ni Rob ang pagsusulat sa kanyang pangarap na libro ay lagi na siyang nasa tabi nito pagkatapos na pagkatpos ng kanyang duty. Sya ang paborito niyang pasyente, naaalala pa niya ng una itong ipinasok doon, at kung makailang ulit na ding nagpabalik balik doon hanggang sa ngayon nga ay naconfine na ito ng matagalan, at ayaw man niyang aminin hindi na bumubuti ang kalagayan nito. Patuloy ang pagbagsak ng katawan nito at prone sa halos lahat ng sakit dahil sa halos wala ng kakayahan ang katawan niya na labanan ang anumang mikrobyo na madikit dito. Patuloy din sa pagbulusok pababa ang kanyang T-cells count, tanda na tuluyan nang ginagapi ng AIDS ang kanyang katawan.
Kanina lang, halos wala siyang naisulat dahil sa hirap na itong magsalita dahil sa kanyang matinding pag ubo, ilang araw na rin pinipilit na ipagpatuloy ang kanilang ginagawa kahit pa kung minsan ay pinapagalitan na ito ni Nel dahil ayaw niyang magpahinga. Nagka Pneumonia na ito, isang kumplikasyon na kinatatakutan niya. Kung minsan ay napapaisip siya kung bakit napakaimportante ng kwentong kung sususmahin niya ay pawang kalibugan lamang. Pinahid ni Nel ang namumuong luha sa kanyang mga mata ng tanawin niya ang kwarto kung saan ay mahimbing na natutulog ngayon si Rob. Si Rob, ang maamo niyang mukha, masayahin at tila ba hindi nauubusan ng buhay ang kanyang mga mata, bata pa n asana ay ineenjoy palang niya dapat ang buhay…si Rob, na natutuhan na niyang mahalin sa kabila ng lahat.
Pagkadating sa bahay inilapag niya ang bag, naupo sa kama at tumitig sa kawalan. Madilim sa silid niya, inabot niya ang switch ng lampshade at tila ba wala sa sarili na kinuha niya ang libro ni Rob sa kanyang bag. Binuklat niya ito at muli ay nabuhay sina Geoff at Anthony sa kanyang imahinasyon…
-----
“I just don’t get it!” pabulyaw na sigaw ni Anthony. “Bakit ayaw mong tanggapin ang tulong na ibinibigay ko sayo at patuloy ka parin sa ginagawa mo.” Anito na pigil ang galit “Kaya naman kitang buhayin ah…”
Walang imik lang na nakikinig si Geoff sa litanya ng kanyang boyfriend.
“Mahal na mahal kita Geoff, at handa kong ibigay lahat.” Anas nito na nanlulumo.
Nilapitan siya ni Geoff, niyakap “ssshhhh tahan na, pangako iiwan ko na ang pagiging callboy.”
Natingala sa kanya si Anthony “Promise?”
“Promise.” Sagot nito, hinalikan siya sa labi.
Walang kaalam alam si Anthony ay patuloy si Geoff sa ginagawa. Bukod sa hindi siya matanggap tanggap sa anumang trabaho dahil wala itong pinagaralan ay wala ring nagtitiwala sa kanya kapag nalaman ng isa syang bayarang lalake. Tinatanggap niya ang perang binigay ni Anthony, pero sumsideline parin siya sa QC Circle dahil lingid sa kaalaman ni Anthony ay sa kanya lang umaasa ang pamilyang nasa probinsya. Sya ang nagpaparal sa kanyang bunsong kapatid at maging ang tumatayong tatay sa anak ng kapatid niyang babae na nabuntisan. Hindi alam ni Anthony ang lahat ng iyon dahil hindi rin niya ipinapaalam, ayaw niyang idamay pa ito sa magulong buhay niya at ayaw niyang dalhin pa nito ang mga aproblemang sya lang dapat ang pumapasan.
“May problema ba tayo?”tanong ni Anthony isang araw. Pansin kasi nito ang parang kawalan kibo ni Geoff nitong mga nakaraang araw. Ilang beses na din siya nitong tinanggihang makipagtalik. Hindi na nga niya maalala kung kalian ang huli na sila ay nagniig, kung hindi pagod si Geoff ay sinasadya nitong wag syang dalawin sa pad nito oh hindi siya nakikipagkita sa kanilang tagpuan, iniiwasan sya nito.
“Wala…w-walang problema.” Tumingin ito sa mga sasakyang nagdaraan. Nasa isang kapehan sila ng mga oras na iyon. Hindi an nagtanong si Anthony.
“A-nthony… a e, may sasabihin ako.”
“Ano yun?”
“A…s-siguro, hindi mo muna ako makikita ngayung mga susunod na araw…m-magbabakasyon muna ako sa amin, sa Isabela…”
Napakunot ang noo ni Anthony “Hindi mo nasabi sakin na taga Isabela ka…hmmm pero sige, tama lang may ipapadalang tao ang kompanya namen sa Cebu malamang ako yun, yun na rin ang sabi sakin ni Mr.Perez, siguro mga isang bwan ako dun…ikaw? Hanggang kalian ang balak mong bakasyon?”
“Siguro mga isang bwan din.”
“Ah Okay, kailanagna mo ng pera?”
“Ah hindi na, salamat na lang.” sabi nitong may lungkot sa mga mata.
Nakaalis na si Geoff papuntang Isabela kahapon at huli na ng malaman nbi Anthony na hindi pala siya ang ipapadala ng kumpanya. Nanghinayang siya dahil sana ay nakasama sya kay Geoff kahit hanggang dalawang araw lang sya doon, at kailangang bumalik para sa trabaho. Dahil walang pasok kinabukasan ay napagpasyahan niyang mag unwind sa isang bar bago umuwi.
Magulo at maingay sa loob, karamihan na sa mga tao roon ay lango na sa alak. Dumiretcho sya sa bar at umorder ng beer at iginala niya ang paningin sa mga tao roon.
Nakailang tungga palang sya ng kanyang beer na mapadako ang paningin niya sa nakaawang na pinto ng VIP room, at doon ay tila may nakita syang pamilyar na tao – si Geoff.
Kumakabog ang dibdib na dahan dahan siyang lumapit sa kwarto, at mula sa salaaming bintana ay pinagmasdan niyang mabuti ang mga tao sa loob nyon. Isang may edad ng lalake, parang Intsik dahil sa chinito ito, at nakayakap at tila ba inaalo ang lalaking nakasubsob sa dibdib nito…si Geoff nga!
Parang pumunta lahat ng dugio sa kanyang ulo sa kanyang nakita, at namuoo ang galit sa kanyang dibdib. Pabalibag niyang binuksan ang pinto na syang ikinagulat ni Geoff.
“What’s the meaning of this?!” pabulyaw nitong tanong kay Geoff. Hindi niya napansin na mugto ang mga mata nito dahil na rin sa may kadilimang liwanag.
“A..A-nthony, h-hindi…” hindi na naituloy ni Geoff ang sasabihin dahil umigkas ang mga kamao ni Anthony at pinawalan nito ang isang suntok sa mukha ni Geoff, natumba ito sa sahig at mabilis na inalalayan ng kasama nitong lalaki.
“Hayop ka! Kailan mo ‘ko niloloko?! Tang ina mong pok-pok ka! Hindi paba sapat ang mga binibigay ko at kailangan mo pang maghanap!!!?” sigaw painsulto ni Anthony.
“Anthony, m-mali ang iniisip mo.” Sapo ang mukha at dumudugong ilong na balik sigaw ni Geoff.
Humugot si Anthony sa bulsa, inilabas ang wallet at mula doon ay naglabas ng mga perang papel
“Ito…ito ang kailangan mo dib a?!” sabay haggis samapal sa mukha ni Geoff ang mga salapi at nagkalat ito sa sahig.
Tumalikod si Anthony at halos masira ang pinto sa lakas ng pagkakasara nito, dinig pa ni Geoff ang tila pagtabig nito sa nakaharang ng upuan o di kaya ay mesa.
Dahan dahang pinagpupulot ni Geoff ang mga ngakalat nap era at hindi niya mapigilan ang mga luha sa pag agos. Higit sa sakit na dulot ng suntok na iyon ni Anthony ay ang mga salita at ang pagdududa nito sa pagibig niya para rito.
“Ito…” anas niya na hilam ng luha habang isa isang pinupulot ang mga salapi “…ito, ito naman talaga ang kailangan ko diba? Ito ang dahilan ng lahat, dahil dito kaya tayo nabubuhay..d-dahil…ditto, k-kaya tayo nagpapakaputa…nagpapakadumi… dahil dito-…” impit ang ginawa niyang pagtangis, hilam ng luha at dugo habang nakaluhod at tangan ang mga salapi.
Dahan dahang inalalayan siya ni Mr. Lee na nuon ay hindi mapigilan ang pagtulo ng mga luha.
“Tahan na Geoff.”
Nagwala sa kanyang pad si Anthony, hindi niya maikumpara ang sakit na nararamdaman. Ang sakit ng pagtataksil, ng panlilinlang ng pagsisisnungaling. Ilang beses niyang pinagsususntok ang pader hanggang nabalian yata ang kanyang kamao at nagdugo, ngunit di niya alintana iyon mas malalim ang sugat na dinulot ni Geoff sa kanyang puso.
Ilang araw din siyang nagmukmok at wala siyang ginawa kundi sisihin si Geoff sa mga nagyayari. Ngunit sa kabila niyon ay may kung anong kirot na dulot ng pagkawalay niya ang kanyang nararamdaman. Hindi niya maitatatwa sa kanyang puso na mahal niya parin ito at handa niyang tanggapin muli ito sa buhay niya.
Nabuo ang isang desisyon at dali dali siyang nagbihis at nagpunta sa lugar kung saan madalas tumatambay si Geoff noon, ngunit nanlumo siya ng di niya mahanap doon ang lalaki. Pinuntahan na niya lahat ng mga pwedeng puntahan ni Geoff ngunit wala ito, pinuntahan niya sya maging sa inuupahan nitong kwarto at nangistorbo pa sa may ari ng paupahan upang alamin lang kung andoon si Geoff ngunit sinabi nitong hindi na umuupa doon ang lalaki.
Huling pinuntahan niya ang bar kung saan niya siya hulingh nakita ngunit wala din doon si Geoff. Palabas na siya ng Makita niya ang lalaking kasama niya sa loob ng VIP room noon, ang matandang Intsik.
Pagkakita sa kanya ni Mr. Lee ay tumigas ang mukha nito at naaninag ang galit sa mga mata nito..
“Excuse me? Ako si Anthony, H-hindi ba ikaw ang kasama ni Geoff nung gabing…nung gabing…”
“Ako nga.” Sagot nito ng matigas na tinig, halata ang matinding poot sa lalaking kaharap.
“Gusto ko lang malaman kung alam mo kung nasaan sya?”
Tinitigan siya ni Mr Lee at kung nakamamatay lamang ang titig na iyon..
“Bakit mo siya hinahanap? At kung alam ko bakit ko sasabihin sayo?” matigas nitong sabi.
“Please..kailangan ko lang syang Makita…please..”pagsusumamo nito.
Tila walang narinig si Mr. Lee, tinitigan niya lamang ito at dinaanan na niya ito patungo sa bar.
Hinabol siya ni Anthony at hinawakan siya sa may braso…sa isang iglap ay kumawala ang isang napakalakas na sampal…
“How dare you!” puno ng poot na bigkas ni Mr.Lee “Ang kapal ng mukha mo…pagkatapos ng lahat…h-..” hindi mapigilan ni Mr. Lee ang emosyon.
“G-gusto ko lang malaman kung nasaan sya.” Mahinahong putol ni Anthony.
“P-Patay na s-siya…” anas ni Mr. Lee na hindi na napigilan ang kanina pa gustong tumulong luha.
----
to be continued..
No comments:
Post a Comment