Endorsed To Love
by glenmore bacarro
Part 5 of 5
“Patay n-na siya.” Sumilay ang mga luha sa mga mata ni Mr. Lee
Tila huminto ang mundo ni Anthony sa narinig, “Paanong…hi-hindi, kai-lan?” pautal niyang tanong.
Tanging mga luha lang ang nakuha niyang sagot kay mr. Lee, mga matang nanguusig, mga matang puno ng poot. “Hindi mo na sya kailangan Anthony…at hindi ka niya kailangan, hayaan mo na sya kung nasaan man sya ngayon.” Lumayo ito at iniwan si Anthony na nakatulala, naguunahang nahulog ang mga luha sa kanyang mga mata kaalinsabay ng mga alaala nila ni Geoff.
-----
“Patay na sya? Ganun lang yon?” tanong ni Nel kay Rob “bakit ganon? Bakit mo siya pinatay sa kwento mo? Paano na si Anthony?” tanong ni Nel na halata ang pagkadismaya, “paano na natin ipagpapatuloy ang kwentong ito kung pinatay mo na ang bida.” Naaalala niya ang isang araw na iyon ng tinanong niya si Rob.
Dumilat si Rob mula sa pagkakapikit at tinitigan si Nel, natigilan si Nel sa nakita, nangingilid ang mga mata ni Rob at ditto kita niya ang kakaibang lungkot, kakaibang sakit na ngayon lang niya nakita sa mga mata nitong lagi ay puno ng buhay at saya.
Ngumiti ito, isang malungkot na ngiti.
“Alin ang mas malungkot?” halos bulong na tanong nito, hirap na ito sa pagsasalita “ang mawawala si Geoff na hindi namakikita ni Athony na buhay o ang siya ay mamatay?”
“
Parehong malungkot,” sagot ni Nel, “at kung ako ang masusunod, hindi ganyang ending ang isusulat ko.” Sagot ni Nel, na tila ba may kung anong nakaraan siyang biglang naalala. Sinalamin niya ang mga lungkot sa mata ni Rob,.
Tila nakita ni Rob ang mga lungkot sa kanyang mga mata, at natigilan din ito “nagmahal kana ba?” tanong nitong tila inosenteng tinatanong ang isang bata.
Ngumiti lamang si Nel, “tulad mo Rob, may mga bagay na din akong inilibing na sa limot, iba na ako ngayon,” napa buntong hininga ito “matagal ng wala ang dating ako, matagal ng wala si Midnight Blue.” Napapikit si Nel at tumulo na ang kanyang mga luha.
Iniiwas ni Rob ang tingin, bumaling siya at tumitig sa puting kisame.
“Tapusin mo ang kwento ko Nel,” anas nito… “hindi ba’t ipinangako mo sa akin dati na tatapusin mo ang kwentong iyan kapag hindi ko na kaya.” Nagmamakaawang tono nito.
“Ngunit paano? Pinatay mo na si Geoff, paano ko mabibigyan ng masayang katapusan ang kentong ikaw mismo ay hindi malagyan ng saya at pag asa?” tanong ni Nel.
“May mga bagay tayong kailangang tanggapin ng maluwag at dapat maging Masaya sa anu mang kahihinatnan nito.” Halos pabulong na sagot nito. “tapusin mo ang kwento Nel, mangako ka ulit.”
Hindi nakasagot si Nel, pinagmamasdan lamang niya si Rob hanggang gapiin na ito ng mahimbing na tulog.
-----
Hindi pinaniwalaan ni Anthony ang mga sinabi ni Mr. Lee. Paanong mangyayari iyon? Bakit hindi nagpapakita sa kanya si Geoff, bakit kailangan niyang magtago? Hindi siya naniniwala sa paliwanag ni Mr. Lee na namatay ito ng gabi ding iyon, paanong sya ay sasagasaan at bigla na lamang iiwan? Paanong hindi niya naramadaman ang pagkawala nito? Bakit hindi pinaniniwalaan ng kanyang puso na wala na ang taong kanyang iniibig?
Si Geoff, ang lalaking nagpabago sa kanyang buhay, ang nagpabago sa mga paniniwalang ni sa hinagap ay hindi aakalain na kanyang magiging tagapagligtas sa kalungkutan?
hindi niya mapigil ang muli ay pagpatak ng mga luha, hindi niya mapigil ang sakit at inuusig siya ng kanyang kunsensya…
“N-nasaan k-ka… Geoff? Tangi niyang nausal.
Halos gugulin niya ang buo niyang maghapon sa kakahanapo sa kanya, ilang bwan na din siyang pabalik balik sa mga lugar na dati ay tinatambayan ni Geoff, nagbabakasakaling doon ay Makita niya siyang muli. Nilibot na din niya ang halos lahat ng mga hospital sa metro manila ngunit sadyang hindi niya mahanap si Geoff. Hinanap niya ang mga dating tinitirhan nito ngunit wala talaga ito, tanging si Mr. Lee lamang ang siyang tulay niya sa katoohanang ayaw tanggapin ng kanyang puso.
Alam niyang naaawa na rin si Mr. Lee sa kanya, ngunit tulad niya ay wala itong magawa dahil sa ayaw niyang tanggapin ang katotohanang wala na ito.
-----
“Uy, lalabas na pala siya ngayun.” Siko ni Arlene kay Nel ng pumasok siya sa araw na iyon, nagkaroon siya ng dalawang araw na bakasyon at ngayun ay excited siyang pumasok sa hospital. Alam niyang isa si Rob sa dhilan kung bakit gusting gusto na niyang bumalik sa hospital, sinilip niya kanina ang kwarto nito ngunit mahimbing ang tulog nito kaya hindi na niya ito ginambala. Gusto sana niyang ipakita ditto ang idinagdag niya sa kwento nito, gusto niyang malaman kung ano ang magiging reaksyon nito, at higit sa lahat gusto niyang sabihin ditto na hindi niya alam kung papaano tapusin ang kwentong alam niyang tapos na. Ngunit bakit pinapangako niya siyang ipagpatuloy ito? Ano ang gusto niyang katapusan, hindi pa ba tapos ang kwento nina Geoff at Anthony gayung pumanaw na ang isa sa kanila?
“Uy…sabi ko lalabas na siya ngyung araw na to, dapat nung isang araw pa, pero sinabi niyang hihintayin ka daw niya.” Kwento ni Arlene.
“Bakit siya lalabas? Alam natin pareho na hindi pa siya magaling…”
“Sa tingin mo ba Nel gagaling pa siya?” anitong seryoso ang mukha.
Natigilan siya at nangilid ang kanyang mga luha, si Rob…ang kanyang si Rob, alam niyang darating at darating din sya sa araw na ito. Hindi pa man ay ramdam na niya ang espasyong iiwan nito sa kanyang puso.
“iuuwi na daw sya sa probinsya,” patuloy nito ‘at dun na ipagpapatuloy ang gamutan, at ang sabi, baka daw ikukuha siya ng private nurse niya doon, uy alam mo bang may nagbabayad sa mga gastusin niya? Mahirap lamang siya… may kaibigan ata siyang siya ang nagpapagamot sa kanya.”
tiningnan ni Nel si Arlene ng may pagdududa
“Don’t tell me, hindi mo alam? Ikaw na paboritong nurse niya?” sabi nitong nanunukso “sayang sya no? ang pogi pa naman niya” dagdag pa nito.
Napatango lamang si Nel.
Dahan dahan niyang pinihit ang pinto, medyo madilim sa kwarto, lumapit siya sa kama kung saan payapang natutulog si Rob, pinagmasdan niya ang mukha nito, humpak na ang mga pisngi, halata ang nangingitim na balat sa ilalim ng kanyang mga mata, maputla, wala na ang dating sigla na bumabakas sa kanyang mukha.
“Rob,” bulong nito “I will miss you,” lumunok siya dahil kung may anong bikig sa kanyang lalamunan “I just want you to know that you’ve touched my life…” tuluyan ng tumulo ang luha sa kanyang magkabilang pisngi niya “binigyan mo ng bagong direksyon ang pananaw ko, na higit sa pagpapahalaga ng sariling buhay ay kailagan nating magmahal…alam ko mahal mo din ako, dama ko sa bawat titig at bigkas mo ang kakaibang ligayang hatid n gating pinagsamahan…” napahikbi sya sa bigat ng nararamdaman… “I Love you, higit sa pisikal na pagmamahal…isa ka sa mga taong nagbigay pagasa sa buhay ko, ipinaramdam mong hindi hadlang ang anumang karamdaman para magmahal ng isang tao, I love you…” ulit nito
tinitigan niya ito, ang pagtaas baba ng kanyang paghinga, ang paghihirap na kung siya lamang ang masusunod ay gusto na niyang tapusin…tap- natigilan siya, at muli ay lumamlam ang kanyang mga mata
“Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganon ang ginawa mo kay Geoff,” bulong nito, “ayaw mong tulad moy mararanasan niya ang kirot ng sumpang sakit na iyan, ayaw mong kahit sa imahinasyon lang ay matulad sayo ang taong binuo ng iyong panaginip…ang pagkukutya, ang panghuhusga ng lipunang ganid sa moralidad, ang lipunang tulad ko ay nagbubulagbulagan sa katotohanang ang pagibig ay hindi lamang para sa kanila, kundi para rin sa atin…” impit ang mga hikbing anas niya.
Tumalikod siya, at tinungo ang pinto ng kwarto, isang huling sulyap at tuluyan niya itong isinara, hindi niya nakita ang dahan dahang pagdausdos ng mga luha sa mga pikit na mata ni Rob.
Inaayos ni Nel ang mga papeles na kailangan sa pag discharge kay Rob, hawak niya ang patient chart na sa halos kalahating taon ay lagi niyang hawak, “Perez, Robbie” ang nakasulat sa nakadikit na puting papel sa bakal na cover ng patient chart.
Nakatayo siya sa may nurse station at nangingilid ang mga luhang isinusulat ang kailangang ilagay sa discharge paper ni Rob, hindi niya napansin ito na itinutulak na sa pasilyo ng isang utility ng hospital, huminto ito sa harap niya “Nel…” nanghihinang tawag nito.
Itinaas ni Nel ang paningin at nagtama ang kanilang mga mata. Ngumiti si Rob ngunit wala ng buhay ang mga ngiting iyon.
“Ahmmm…” tinanggal ni Nel ang namumuong bara sa kanyang lalamunan “P-pano bay an, edi hindi mo na makikita ang pina cute na nurse dito.” Aniya na pilit pinasaya ang boses.
Ngumiti ito, at tila ba sinenyasan na lumapit, hindi halos nito maitaas ang kamay. Lumapit siya ditto, at hindi niya mapigilan ang yakapin ito, pigil ang mga luha.
“Sandali…” bumalik si Nel sa Nurse station at kinuha ang libro sa may drawer, lumapit ito uli “Hindi ko pa tapos ang kwento nila Geoff at Anthony, ngunit may naidagdag ako…” pilit ang ngiti, “Dalhin mo ito, at gusto ko tapusin mo, tulad ng dati pwede mong ipasulat ito sa magiging nurse mo”
Hinawakan ni Rob ang kamay niya na nakapatong sa librong dinala niya sa may kandungan nito, mahinang iniusog niya ito sa kanya…
“Nel,…t-tapusin mo.” Ngumiti ito, at tila ba gamit ang buo niyang lakas.
Lumunok si Nel, upang matanggal ang bikig sa kanyang lalamunan, nasa harap niya ang lalaking hindi niya inaasahang mamahalin niya ng higit pa sa nararapat.
May kung anong lakas ng loob ang nagtulak sa kanya upang siya dampian ng halik sa mga labi, malamyos, masuyo…puno ng pagmamahal. Gumanti ng mahinang halik si Rob, at sa pagkakatong iyon napapikit silang pareho na animoy sa kanila ang mundo, ang luhang kanina pa pinipigilan ay tuluyang binasa ang mga pisngi nilang halos magkadikit. Napatid ang halik na iyon na tinapos ni Nel ng napakahigpit na yakap.
Nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanila ang utility man at ang nurse supervisor na kanina pa nakamasid, at si Arlene pasimpleng pinahid ang mga luha sa kanyang mga mata, sa harap niya ay nasasaksihan niya ang isang pag ibig nab ago sa kanyang paningin ngunit napakatotoo s akanyang pakiramdam. Tumalikod ito at pumasok sa pantry.
“Ah eh ser,” putol ng utility man, “naghihintay na yung kapatid niya sa may cashier.”
“ah..wait, hintayin niyo na at nmatatapos ko na din ang discharge papers niya, hintayin niyo ang gate pass.” Sabi ni nel na pinupunasan ang mga luha.
“Ah kukunin na lang mamya ser sabi kukunin daw ditto nung isa nilang kasama, hindi pa naman ata sila lalabas.” Anito na itinulak na si Rob.
Nakatanaw lang si Nel, habang tulak tulak si Rob papalayo, tila ba inilalayo ditto ang puso niya.
“Paalam Rob…” nayakap niya ang libro nito. May nahulog na sobre mula sa loob nito, at naaalala niya ng iaabot sa kanya ni Rob yon nung sinusulat palang nila ang kwento nito.
“Buksan mo ang sobreng iyan kapag natapos mo na ang kwento…napakahalaga sa akin niyan” tila narinig niyang sabi nitong muli.
Pinulot niya iyon, naglakad siya sa pasilyo at tinungo ang kwarto ni Rob, bakante ang kama, at tila ba kasing hungkang ng kanyang nararamdaman. Naglakad siya sa may bintana at hinawi ang asul na kurtina upang pumasok ang liwanag ng araw mula sa labas. Nanginginig na mga kamay ay binuksan niya ang sobreng hawak niya…
Isang larwan iyon, isang mukha na noon lang niya nakita, Tila gumagalaw at sinasayaw ng hangin ang maikli at magulo nitong buhok, bahagyang kapal ng mga kilay na binagayan ng medyo may kasingkitang mga mata, matangos ang ilong at mapupula ang mga labing bahagyang nakaawang na tila ba’y nagaanyaya ng ito ay halikan. Bumagay din dito ang tila bay nakalimutang ahitang balbas.
May kung ano siyang nararamdaman habang nakatitig sa mukha nito, na tila ba ay kilala niya ang lalaking nasa larawan, hindi niya maipaliwanag….
Natigilan siya ng may makapa pa siya sa loob ng envelope, kinuha niya iyon at namangha sa nakita, isang perang papel, isang libong buo na lukot na sa kalumaan nagtatakang binaligtad niya iyon at napamaang ng makita niyang may nakasulat doon ‘Anthony’ at sa ilalim nito ay ang mga katagang ‘I Love You’ …
Biglang bumukas ang pinto at napatingin siya sa kung sinumang naroroon, nanlaki ang mga matang napatitig siya sa lalaking nakatayo sa harap niya, ang lalaking kanina lamang ay tinititigan niya sa larawang hawak niya, maliban sa nagiba ng bahagya ang itsura nito dahil sa medyo mahaba ang magulo nitong buhok at halatang matagal ng hindi nakapagahit ay hindi parin maitatatwa na siya ang lalaki sa larawan.
“Where is he?” sambit nito na tila nagmamakaawa, “Nasaan si Geoff?” ulit nito.
Hindi nakasagot si Nel, ngunit tila binuhusan siya ng malamig na tubig ng napagtanto niya ang isang katotohanan…
“Nasaan si Rob? Nakaalis naba sya, sinabi kong kailangan niya akong hintayin.”mahinahong sambit ng isa pang lalaki sa likod nito, isang matandang tsinito.
Mula sa likod nila ay dumating si Arlene, “Sir, ahmm Mr. Lee eto nap o yung gate pass.” Anitong natigilan na makita niyang halos nagtititigan lang amg tao sa loob ng kwarto, napatingin ang unang lalaki kay Arlene at napadako ang mga mata nito sa hawak niyang gate pass. Bigla itong tumalikod at mabilis na naglakad palayo…
Tanging si Mr. Lee, Arlene at Nel nalang ang nasa kwarto, tiningnan ni Nel si mr. lee ng nagtatanong…
Kinuha nito ang gate pass, tumalikod na din ito at sinundan ang lalaking una ng umalis.
“Sya si Mr. Lee, sya ang nagbabayad sa lahat ng gastusin ditto ni Rob…” kwento ni Arlene “Hindi ko kilala yung kasama niya, pero cute sya ‘no?” sabi nitong tila kinikilig.
Wala ng narinig pa si Nel sa mga sinasabi ni Arlene. Napatingin sya sa labas ng bintana sa ibaba, kung saan sa di kalayuan ay…
“Geoff…” sigaw ni Anthony sa lalaking sakay ng itinutulak patungo sa may gate ng hospital. Napahinto ang nagtutulak at iniharap niya ang lalaking sakay ng wheelchair ayon na rin s autos nito.
“Geoff…” bigkas ni Anthony, natigilan siya sa paglapit ng humarap sa kanya si Geoff. Nagtama ang kanilang mga mata, at sa isang saglit lang inilang hakbang lang ni Anthony ang distansya sa kanila ni Geoff, niyakap niya ito kaalinsabay ng mga luhang dumadaloy sa kanilang mga mata.
Mula sa itaas ay natatanaw ni Nel ang tagpong iyon, sa di kalayuan ay nakita niya si Mr. Lee na palihim na pinapahid ang mga luha. Mula sa kanyang kinatatayuan habang nakatanaw sa dalawang pusong nagmamahalan ay dama niya ang ligayang hatid nito sa kanyang puso. Batid niya na sa mga oras na iyon ay may dalawang pusong nagtapo at pinagtagpo ng kapalaran, ng pagibig na higit pa sa kamatayan.
Napabuntung hininga siya, sumilay ang mapait na ngiti sa kanyang mga mata at pinahid niya ang luhang dumaloy sa kanyang mga mata, sa di kalayuan ay nakita niya ang dalawang labing naglapat, dalawang pusong nasumpungan ang tunay na pagibig, alam man niyang hindi na magtatagal ay iiwan din ng isa ang pusong nagmamahal ngunit alam niya at sigurado siya na ang pag ibig ni Anthony at Geoff..-ni Rob, ay magpapatuloy hanggang sa kabilang buhay, tulad din ng pag ibig niya na kahit sa huling hininga ay hindi niya malilimutan.
Binuklat niya ang huling pahina ng Librong tangan niya, inilakip niya ang litrato at ang perang papel ditto, at sa kanyang malamyos at mahinhin na sulat kamay, ay inisulat niya ang alam niyang mga huling katagang kanyang isusulat sa buhay ni Rob.
End