Are You Done Now?
01/29-30/12
glenmore bacarro
Are you done now…?
on breaking my heart?
The heart you once promised,
to keep and to hold.
A fragile heart…young
naïve but true.
Yet you choose to break,
and shattered at most.
Are you done now…?
on making me cry
The tears that speak
Those thousands lines?
My eyes show you no pain
Because you once said,
They are my sweetest gain..
But look, they won’t stop welling.
‘coz you love to see them crying.
Are you done now…?
on painting what my future would be?
On the walls of dark uncertainty.
These dreams, in love we once shared
Are the dreams you shattered.
Do you need more of me?
Because I’ve nothing more…I am empty.
Are you done now…?
on lashing the wrath of your revenge?
Did you see the scars
Or how much I bled.
Aren’t they enough,
Or do I need to take more?
These punishments I endure…
When will you be satiated?
Are you done now…?
on destroying the life out of me?
Will your thirst be quenched?
If in pain I kneel
down the depth of my being?
How much shame do I need to take?
For you to leave, my wounded pride?
But how, when I’ve nowhere to hide?
Baby, Are you done now?
if not yet…
Then how much more do I need to endure?
If you have taken everything.
How much more do you need?
When I have nothing more to give.
I am the one, you said
The one you love.
That’s why you should do these things.
Because I’m yours.
You won your game,
The game you mastered.
I was left hanging,
Broken and shattered.
For all the love we shared.
The dreams we made.
The memories we created.
And those great moments we had.
Parts of me are those things,
Part of what you made me.
For the last time my dear,
If you’re done now
I ask you to give me back
The broken pieces of me
Because I can’t be whole
If you are not done yet.
Tapos Kana Ba...?
Tapos ka na ba…?
Sa pagdurog sa aking puso?
Pusong minsan ‘y nabulag mo
ng iyong mga pangako.
Pusong buo at bubot pa sa kamunduhan.
Pusong nagmahal ng wagas at walang linlang.
Pusong pinili mong sugatan.
At sa kalaunan ‘y iyong niyurakan.
Tapos ka na ba…?
na ako ay paluhain?
Pagtangis na lulan ay pait ng sanlibong talata.
Di bat sinabi mo, mga mata ko’y
Bintana ng aking nadarama?
Ngayon tumitig ka, at ang sakit ay
‘di mo makikita.
Ngunit ang luha ay ‘di na paaawat.
Sapagkat inari mo na ang ligaya sa bawat patak.
Tapos ka na ba…?
Sa pagpinta sa aking mga pangarap,
Sa pader ng kawalang pag-asa?
Mga pangarap na kapwa natin binuo,
Sa tibay at liwanag ng pag-ibig.
Ano pa nga ba papangarapin ko?
Kung lahat na ay winasak mo?
Tapos ka na ba…?
Sa pagdagok ng pait ng iyong paghihiganti?
Nakita mo man lang ba ang mga peklat,
O pagdurugo sa bawat sugat?
Hindi pa ba sapat?
O kinakailangan ko pang magdusa?
sa bangis ng iyong poot at galit…
Kailan maging tama na ang sapat?
Tapos ka na ba…?
Sa pagwasak sa aking pagkatao?
Ang iyong pagkauhaw sa paghihiganti
ay mapapawi ba ng aking pagkasadlak,
Gayung pagkato ko’y ibinaon mo na sa lusak?
Ilang kahihiyan paba ang sa akin ay iaatang?
Para sa kawalan ay makatangis man lang
ang sugatan kong pagkatao mula sa putikan.
Mahal, Tapos ka na ba…?
kung hindi pa…
Hanggang kalian ako magtitiis?
Kung lahat na ay nawala?
Hindi paba sapat ang lahat ng sakit?
Gayung wala na akong pwedeng ipagkait.
Ako ang itinadhana
Upang iyong mahalin.
Ako’y pag-aari mo, ayon sayo.
Karapatan ko ay itinatwa mo.
Muli ay ikaw ang nagwagi
Sa larong ikaw ang bihasa.
Ako ang talo, dahil hindi ko nilaro.
Gayun ma’y aking inari, parusa at pait.
Ang pag-ibig at ang ating pagmamahalan.
Mga pangarap na ating binuo.
Mga alaalang ating iningatan.
At mga sandaling pinagsaluhan.
Bahagi ng mga iyon ay ako.
Bahagi ng pagkatao ko.
Sa huling pagkakataon, mahal,
Kung sakaling tapos kana…
Maaari nawa’y iyong ibalik
mga bahagi ng pusong nawaglit.
Dahil mananatili akong di buo
Hangga’t bawat bahagi ay sakal mo.